PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lyca Gairanod clarifies her family does not depend on her

Lyca, hindi inaako ang pagtaas ng subscribers nina Karen Davila at Small Laude.
by Jojo Gabinete
Published Dec 16, 2021
lyca gairanod
Lyca Gairanod on helping her family: "Gusto ko po itong ginagawa ko. Hindi po ako nag-a-adjust. Wala pong alinlangan. Hindi ko po kailangan na mag-adjust para sa kanila dahil gusto ko po itong yung ginagawa ko."
PHOTO/S: Viva Records / @lycagairanod.1 on Instagram

Nabigyan ng pagkakataon si Lyca Gairanod na makaalis sa bahay na tinitirhan nila ng kanyang pamilya sa Tanza, Cavite nang manalo siya bilang first-ever grand champion ng The Voice Kids noong July 2014 dahil house and lot ang isa sa mga premyong natanggap niya.

Pero nagpasya si Lyca at ang mga magulang nitong ibenta ang house and lot na katas ng The Voice Kids at bumalik sila sa Tanza. Ayaw kasi ng kanyang lola na iwanan ang lugar na nakasanayan.

“Sinadya po namin na mag-stay for lola po.

"Hindi po kasi sumasama si Lola so nahihirapan po kami kung ano ang gagawin namin, so nag-adjust po kami for Lola.

"Siyempre, hindi na po natin mapipilit yung mga matatanda kasi kung ano ang gusto nila, yun talaga.

"Kung gugustuhin po namin na makasama yung lola ko, talagang mag-stay kami," paliwanag ni Lyca tungkol sa desisyon nila ng kanyang pamilya na balikan ang lugar na kinalakihan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi masabi ni Lyca kung habampanahon na ang paninirahan niya sa Tanza dahil nangangarap siyang makapagpatayo ng sariling bahay.

Saad niya, "Kung mabibigyan po ako ng pagkakataon, gusto ko pong makapagpatayo ng bahay na ako mismo ang nag-design at pangarap ko na bahay, kahit gaano katagal basta maipatayo ko po."

Hanggang kailan ka mag-a-adjust dahil sa pagmamahal mo sa pamilya mo?

Paglilinaw ni Lyca, “Yung family ko po, wala silang sinabi sa akin na ganito, ganyan…hindi sila humihingi.

“Ako po, bilang breadwinner, need ko po na tulungan ang family ko, kahit sinasabi nila na need ko din daw ng gabay nila.

“Ayaw rin po ng mama ko na sa akin lang [ang responsibilidad]. Hindi po sila nakaasa sa akin at may pang-alalay po sila sa akin.

“Hindi ko po sinasabi na adjust ko ito para sa family ko. Gusto ko po itong ginagawa ko.

“Hindi po ako nag-a-adjust. Wala pong alinlangan. Hindi ko po kailangan na mag-adjust para sa kanila dahil gusto ko po itong yung ginagawa ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KAREN DAVILA AND SMALL LAUDE

Nadagdagan ang subscribers at tumaas ang views ng YouTube channels ni Karen Davila at ng socialite na si Small Laude nang maging featured guest nila si Lyca.

Pinag-usapan noon ang interview ni Karen kay Lyca dahil sa reaksiyon nito nang malaman niyang pareho ang araw ng kapanganakan nila ng 17-year-old singer-actress.

Ayaw isipin ni Lyca na siya ang dahilan kaya napansin ng masa ang mga YouTube channel nina Davila at Laude dahil iisa lamang umano ang gusto nila — ang makapagpasaya ng mga tao.

Sabi ng singer, “Ang gusto lang po namin is makapagpasaya po kami ng mga tao. Thankful po kami kasi ang daming nag-aabang at gusto ko rin po na matulungan sila, ma-improve po yung subscribers nila.

“Hindi lang po ako ang dahilan kung bakit dumadami po views and subscribers nila. Dahil din po sa kanila, kung paano sila magpasaya ng tao. Hindi lang po dahil sa akin yun.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipinu-promote ni Lyca sa kasalukuyan ang "Malapit Na Akong Mahulog Sa’yo," ang bagong single niya sa Viva Records.

Para sa 2022, pangarap ni Lyca na bukod sa pagkanta, mabigyan siya ng mga movie project ng kanyang home studio dahil nasubukan na niya noon ang umarte sa telebisyon at pelikula.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lyca Gairanod on helping her family: "Gusto ko po itong ginagawa ko. Hindi po ako nag-a-adjust. Wala pong alinlangan. Hindi ko po kailangan na mag-adjust para sa kanila dahil gusto ko po itong yung ginagawa ko."
PHOTO/S: Viva Records / @lycagairanod.1 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results