PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former Hashtags member Wilbert Ross, bibigyang buhay si Boy Bastos

Wilbert Ross, title role na sa pelikula.
by Jojo Gabinete
Published Dec 28, 2021
wilbert ross boy bastos
Wilbert Ross on playing Boy Bastos in a movie: "Ang bigat-bigat sa feeling na ako mismo ang sentro ng pelikula, pero sobrang saya pa rin dahil nabigyan uli ako ng pagkakataon pagkatapos ng Crush Kong Curly."
PHOTO/S: Instagram / Viva Films

Maligayang-maligaya ang former Hashtags member na si Wilbert Ross dahil bago matapos ang 2021, natupad ang pangarap niyang magkaroon ng launching movie, ang Boy Bastos.

Sumikat at naging kontrobersiyal noong 2007 si Boy Bastos, isang bastos na lalake ang pagkatao pero walang karanasan sa babae.

Si Boy Bastos ang major character sa pornsite na may pangalang Boy Bastos kaya kilalang-kilala ito ng naughty Filipinos.

"Nagpahinga" ang naturang site dahil sa reklamo ng isang mambabatas.

Sa March 2022, muling magbabalik si Boy Bastos na bibigyang-buhay ni Wilbert.

Pamilyar na pamilyar daw si Wilbert sa karakter na ginampanan niya.

Saad niya, “Sobrang saya ko nang malaman ko na ako ang gaganap na Boy Bastos.

“At the same time, kinakabahan ako kasi ito na yun, e, title role na mismo.

“Ang bigat-bigat sa feeling na ako mismo ang sentro ng pelikula, pero sobrang saya pa rin dahil nabigyan uli ako ng pagkakataon pagkatapos ng Crush Kong Curly."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Wilbert, “Very familiar ako kay Boy Bastos na very relatable sa mga kaedad ko.

“Parang nasa year 2000 yung mga kaganapan sa movie, yung kalibugan ng mga tao nung panahon na yun.

"Normal lang naman ang libog lalo sa period na nag-e-explore pa lang ang mga tao."

Co-stars ni Wilbert sa Boy Bastos sina Bob Jbeili at Andrew Muhlach. Mula ito sa direksiyon ni Victor Villanueva, ang direktor ng critically-acclaimed movie noong 2016 na Patay Na Si Hesus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natapos ang lock-in shooting ng Boy Bastos noong December 23, at isa ito sa mga hindi makalilimutan ni Wilbert na Christmas gift na natanggap niya.

“Sobrang riot ng Boy Bastos dahil pinagsama-sama kami nina Bob at Andrew. Medyo close na talaga kami bago pa man nagsimula ang shooting namin.

"Leading lady ko ko ang napakaganda at napaka-talented na si Rose Van Ginkel," sabi ni Wilbert.

Lastly, itinanong ng Cabinet Files kay Wilbert ang pinakabastos na ginawa niya sa tunay na buhay kaya naka-relate siya sa karakter ni Boy Bastos.

“Siguro, yung mga time na medyo mapusok ako kasi teenager kaya medyo napapadalas ang mga bagay-bagay,” sagot ni Wilbert, kasunod ang matunog na halakhak.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wilbert Ross on playing Boy Bastos in a movie: "Ang bigat-bigat sa feeling na ako mismo ang sentro ng pelikula, pero sobrang saya pa rin dahil nabigyan uli ako ng pagkakataon pagkatapos ng Crush Kong Curly."
PHOTO/S: Instagram / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results