David Chua, nagpaalam kay Korina Sanchez bago tanggapin ang Mano Po Legacy ng GMA-7

by Jojo Gabinete
Jan 3, 2022
david chua korina sanchez
DavidChua: "Nagpaalam muna ako sa aking boss na si Ate Korina Sanchez-Roxas na kung pupuwede, mag-on cam muna ako kasi isa po ako sa mga direktor niya sa Rated Korina. Pinayagan naman ako, sabi niya ‘Sige, habang may oportunidad ka, gawin mo muna yung show na Mano Po.’"
PHOTO/S: @daviduychua on Instagram

Isa ang former Kapamilya actor na David Chua sa mga direktor ng Rated Korina, ang news and magazine show ni Korina Sanchez na napapanood sa TV5, Kapamilya Channel, at A2Z.

Bilang respeto, nagpaalam muna siya sa kilalang broadcast journalist at TV host nang tanggapin niya ang alok ng GMA-7 at Regal Entertainment Inc. para maging cast member ng Mano Po Legacy: The Family Fortune.

Lahad ni David, “Nagpaalam muna ako sa aking boss na si Ate Korina Sanchez-Roxas na kung pupuwede, mag-on cam muna ako kasi isa po ako sa mga direktor niya sa Rated Korina.

“Pinayagan naman ako, sabi niya ‘Sige, habang may oportunidad ka, gawin mo muna yung show na Mano Po.’

“Anytime naman daw na walang taping [ng Mano Po], makakapag-shoot naman po ako ng segment ng kabila.”

Nagpapasalamat si David dahil nabigyan siya ng pagkakataong maging bahagi ng Mano Po at magkaroon ng programa sa GMA-7 sa kauna-unahang pagkakataon.

Continue reading below ↓

“First project ko sa GMA-7. Pero dahil sa pandemic, walang soap, walang oportunidad para sa akin, kailangan ko maghanap ng trabaho kaya mapalad po tayo na nakuha natin yung Mano Po.

“So, ang pakiramdam ko ngayon, parang nakabalik ako sa aking oxygen. Nakabalik ako sa aking parang mahal sa buhay.

"Kung may girlfriend ka, naghiwalay kayo, nagkita uli, ganoon yung feeling. Ganoon yung pakiramdam sa akin na nakabalik ako on cam."

Sabi pa ni David, “Para sa akin, mixed emotions, kasi halos lahat [ng cast ng Mano Po], hindi ko pa nakatrabaho sa GMA.

"Pero ang sarap naman ng pakiramdam dahil wala kaming masyadong wall. Very warm sila sa akin."

Philip Lo ang pangalan ng karakter ni David sa Mano Po Legacy at importante ang kanyang role dahil siya ang gumaganap na henchman ni Valerie (Maricel Laxa) para makamkam nito ang mga kayamanan ng pamilya ni Consuelo Chan, na ginagampanan ng veteran actress na si Boots Anson Rodrigo.

Continue reading below ↓

Ngayong Lunes ng gabi, January 3, ang premiere telecast ng Mano Po Legacy.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DavidChua: "Nagpaalam muna ako sa aking boss na si Ate Korina Sanchez-Roxas na kung pupuwede, mag-on cam muna ako kasi isa po ako sa mga direktor niya sa Rated Korina. Pinayagan naman ako, sabi niya ‘Sige, habang may oportunidad ka, gawin mo muna yung show na Mano Po.’"
PHOTO/S: @daviduychua on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results