PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joko Diaz returns to Viva after two decades

Joko Diaz, balik-leading man role din.
by Jojo Gabinete
Published Jan 9, 2022
joko diaz movies
Joko Diaz: “Twenty years na akong wala sa Viva. I’m happy na hindi kami nakakalimutan ni Boss Vic. Thank you sa press, hindi niyo kami nakakalimutan.”
PHOTO/S: Viva Films

Makalipas ang dalawang dekada, muling nagbalik si Joko Diaz sa Viva Films—ang dating home studio niya na nagbigay sa kanya ng maraming pelikula na siya ang bida noong dekada ’90.

Ang sexy-drama-action movie na Hugas, na pinagbibidahan nina AJ Raval at Sean De Guzman, ang comeback movie ni Joko sa Viva.

Pero naunang ipinalabas sa Vivamax noong January 7 ang Siklo, na tinatampukan ni Vince Rillon at ng mga aspiring actress na sina Christine Bermas at Ayanna Misola.

Sunud-sunod ang mga pelikula ni Joko at lead actor na uli ang kanyang kategorya sa Kinsenas, Katapusan dahil siya ang leading man ni Ayanna sa launching movie nito.

Dalawang taon na tumagal ang negosasyon bago nagdesisyon si Joko na bumalik sa Viva.

Siya ang karagdagan sa listahan ng ‘90’s actors na kinabibilangan nina Jay Manalo, Jeric Raval, Mark Anthony Fernandez, at Jao Mapa na namamayagpag ang showbiz career sa panahon ng coronavirus pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagkausap kami ni Boss Vic [del Rosario, ang top honcho ng Viva Entertainment] kasi nga yung daughter ko, kaka-sign lang sa Viva,” sabi ni Joko patungkol sa kanyang anak na si Ashley Diaz.

Exclusive contract star si Ashley ng Viva Artists Agency, ang talent management arm ng Viva Entertainment. Siya ang love team ni Andre Yllana, anak nina Jomari Yllana at Aiko Melendez, na ipinakilala sa television drama series na pinangungunahan ni Julia Barretto, ang Di Na Muli.

ashley diaz dad joko diaz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ni Joko, “Two years in the making bago ako bumalik sa Viva. Ngayong nakabalik ako sa Viva, Hugas was my first project. Ito yung unang ibinigay sa akin.

“Sabi sa akin ni Boss Vic, ‘Pakiramdaman mo muna lahat. Test the water ka muna’ dahil siyempre bago ako sa barkadahan nila.

“Ang maganda, yung direktor ko, si Roman Perez Jr., hindi bago sa akin, naging direktor ko na siya dati pa.

“Tapos, ang kasama ko sa trabaho, si Jay Manalo, walang kapro-problema na kasama si Jay so I enjoyed myself.

“Twenty years na akong wala sa Viva. I’m happy na hindi kami nakakalimutan ni Boss Vic. Thank you sa press, hindi niyo kami nakakalimutan.”

JOKO-JAY REUNION PROJECT

Si Jay Manalo ang co-star ni Joko sa Hugas at si Roman ang direktor ng kanilang reunion movie.

Hindi nalilimutan ni Jay na si Joko ang isa sa mga unang naging kaibigan niya nang magsimula ang kanyang acting career noong 1994.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kuwento ni Jay, “Noong bago ako sa Viva, si Joko ang umaalalay sa akin. Si Joko ang talagang naging kaibigan ko. Siya yung artista na walang hangin, totoong tao.”

Nakatrabaho naman ni Roman si Joko sa television series na Glamorosa ng TV5 at sa action-thriller movie na Mga Mata sa Dilim.

Para kay Roman, isa si Joko sa mga mahuhusay na character actor na kanyang nakatrabaho noon kaya natuwa siya nang muli silang nagkasama sa Siklo at sa Hugas.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joko Diaz: “Twenty years na akong wala sa Viva. I’m happy na hindi kami nakakalimutan ni Boss Vic. Thank you sa press, hindi niyo kami nakakalimutan.”
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results