PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eat Bulaga, patuloy na mapapanood sa GMA Network

Eat Bulaga, 27 taon nang napapanood sa GMA-7.
by Jojo Gabinete
Published Jan 10, 2022
eat bulaga contract signing
Ang contract signing sa pagitan ng TAPE Inc. at GMA Network noong February 1, 2019 na dinaluhan ng executives ng dalawang kumpanya at ng mga host ng longest-running noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga. Bukas, January 11, 2022, nakatakdang pumirma muli ng kontrata ang magkabilang panig para sa patuloy na pag-ere ng Eat Bulaga sa GMA-7.
PHOTO/S: GMA Network

Mananatili bilang tahanan ng Eat Bulaga! ang GMA Network.

Magaganap ang pirmahan ng kontrata ng magkabilang-panig bukas, January 10, 2022.

Huling nangyari ang renewal ng kontrata sa pagitan ng management ng GMA Network Inc. at ng mga executive ng TAPE Inc., ang producer ng longest-running noontime show ng bansa, noong February 1, 2019.

Nagsimula ang Eat Bulaga! sa RPN 9 noong July 30, 1979.

Makalipas ang sampung taon, lumipat ang programa sa ABS-CBN noong February 18, 1989.

Makaraan ang anim na taon, nagpasya ang management ng TAPE Inc. na iwanan ang ABS-CBN at ilipat ang Eat Bulaga! sa GMA 7, ang pinakamatagal na home network ng noontime show na isa nang institusyon.

Nag-umpisang mapanood ang Eat Bulaga! sa GMA-7 noong January 28, 1995 hanggang sa kasalukuyan.

Ang Kapuso Network ang pinakamatagal na tahanan ng Eat Bulaga! dahil dalawampu’t pitong (27) taon na ang kanilang pagsasama.

Kumpleto ang mga host ng Eat Bulaga! sa contract signing nila sa GMA 7 noong February 1, 2019 dahil wala pa ang coronavirus pandemic kaya normal na normal ang sitwasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, isang virtual contract signing ang magaganap bukas. Pero hindi na kumpleto ang Dabarkads bilang marami na ang nawala gaya nina Anjo Yllana at Ruby Rodriguez.

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang contract signing sa pagitan ng TAPE Inc. at GMA Network noong February 1, 2019 na dinaluhan ng executives ng dalawang kumpanya at ng mga host ng longest-running noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga. Bukas, January 11, 2022, nakatakdang pumirma muli ng kontrata ang magkabilang panig para sa patuloy na pag-ere ng Eat Bulaga sa GMA-7.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results