PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lolo Nardo Flores released after posting P6,000 bail

PIO Asingan, humingi ng paumanhin sa kalituhang idinulot ng inilabas nilang impormasyon.
by Jojo Gabinete
Published Jan 20, 2022
lolo nardo flores nakalaya na
Nakalaya na si Lolo Nardo Flores, 80, matapos makapagbayad ng P6,000 na piyansa. Isang linggong na-detain si Lolo Nardo matapos arestuhin dahil sa pagnanakaw umano ng sampung kilong mangga.
PHOTO/S: James Fernandez Facebook

Sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag sa kanilang official Facebook page, humingi ng paumanhin ang Public Information Office (PIO) ng Asingan, Pangasinan dahil sa kalituhang idinulot ng mga impormasyong inilabas nila kahapon, January 19, 2022, tungkol sa kaso ni Nardo Flores.

Si Flores ang octogenarian grandfather na sinampahan ng kaso dahil sa pamimitas ng sampung kilo ng bunga ng mangga mula sa puno na kanyang itinanim pero nasasakupan ng lupain ng nagrereklamo.

Ang PIO Asingan ang unang naglabas na "Narding Floro" ang pangalan ng akusado, pero lumitaw ang katotohanang Nardo Flores ang tunay na pagkakakilanlan ng akusado.

Humihiling ng pang-unawa ang PIO Asingan, kasama ang pakiusap na huwag nang batikusin ng publiko ang may-ari at caretaker ng lupang kinatitirikan ng kontrobersiyal na puno ng mangga.

Bahagi ng pahayag ng PIO Asingan: “Kami po sa Public Information Office ng Asingan o PIO Asingan, kilala bilang isa sa mga nangunguna at mapagkakatiwalaan pagdating sa pagbabalita sa Pangasinan ay humihingi ng dispensa sa aming naging post ng Miyerkules ng hapon, January 19, sa balita tungkol sa walumpong taong gulang na si Lolo Flores dito sa bayan ng Asingan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bilang paglilinaw, nasa maayos na kalagayan po si Lolo Flores sa himpilan ng Asingan PNP at siya ay inaalagaan ng ating kapulisan sa mga panahong naroon s’ya.

“Ang PIO Asingan ay humihingi din ng dispensa sa may-ari at caretaker ng lupa sa dinulot nito sa kanila. Huwag din po sana natin i-bash ang may ari ng lupa at ang caretaker nito, sa katunayan sila pa ang nagpupursige na mapawalang-bisa ang inihain na reklamo.

“Panghuli, sa ating pinakamamahal na alkalde ng bayan ng Asingan, Mayor Carlos Lopez Jr. humihingi po kami ng dispensa.

“Maraming salamat po sa nagpahatid at maghahatid pa ng tulong kay Lolo Flores.”

Bukod sa mga kababayan nating nagpahatid ng tulong dahil sa awa nila sa matanda, mabilis na umaksyon ang Public Attorney’s Office (PAO) para makauwi na si Flores sa kanyang tahanan.

Si Atty. James Fernandez ng PAO ang tumulong kay Flores na isang linggong nanatili sa Asingan Police station, ayon sa FB post ng PIO Asingan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binura na ng PIO Asingan ang post para matapos na ang isyu na naging national concern.

Isa si former DILG Secretary Rafael Alunan III sa mga nakipag-ugnayan kay Retired General Arturo Lomibao para matulungan si Flores.

Ito ang mensaheng natanggap niya: “Regarding po sa pagkakahuli kay Lolo Narding Flores by virtue of a warrant issued by MCTC Asingan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sir, Hindi po na-facilitate agad yung pag-bail for his temporary liberty dahil po nag- issue ang MCTC Judge ng directive to cancel all court transactions during the implementation of Alert Level 3.

Ang PIO Asingan LGU po ang nag-upload ng picture ng mangga kaya nagkaroon ng misconception sa pangyayari.

“In consideration to his age and health condition, Lolo Flores was placed in police custody but not behind bars. Meron na po ako coordination with the MCTC Judge and hopefully ma-release na today, Sir.”

Pinalaya na si Flores ngayong Huwebes, January 20, sa bisa ng utos ni Acting Presiding Judge Sarah Marcos-Martin ng Municipal Circuit Trial Court ng Asingan-San Manuel.

Nagpiyansa ng anim na libong piso (P6,000) si Flores para sa kalayaan nito at itinakda sa February 8, 2022 ang pagdinig sa kaso ng theft o pagnanakaw na isinampa laban sa kanya dahil sa pagpitas sa sampung kilo ng bunga ng mangga mula sa puno na sinasabi niyang siya ang nagtanim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami namang netizens ang nagkomento na ang sinapit ni Lola Nardo ay sumasalamin kung anong klaseng hustisya mayroon ang Pilipinas.

Ang isang mahirap na kagaya ni Lolo Nardo ay naditena kaagad dahil lamang sa pagnanakaw umano mangga.

Pero ang isang mayaman at makapangyarihang gaya ni dating First Lady Imelda Marcos ay hindi inaresto o nakulong kahit convicted na sa kasong graft noong 2018, samantalang bilyun-bilyon ang halagang sangkot dito.

Paliwanag noon ni dating Philippine National Police chief and retired police Gen. Oscar Albayalde, hindi nila inaresto si Imelda dahil kuninsidera nila ang edad at kalusugan ng dating Unang Ginang na noo'y 89 anyos.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakalaya na si Lolo Nardo Flores, 80, matapos makapagbayad ng P6,000 na piyansa. Isang linggong na-detain si Lolo Nardo matapos arestuhin dahil sa pagnanakaw umano ng sampung kilong mangga.
PHOTO/S: James Fernandez Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results