Ang Boy Bastos ang unang title-role movie ni Wilbert Ross.
Pero may paglilinaw siyang walang kinalaman ang kuwento ng pelikula niya sa Boy Bastos, ang Internet character na naging popular at kontrobersiyal noong 2007.
Kahit may mga eksenang kailangan niyang maghubad siya sa Boy Bastos, tinanggap ni Wilbert ang project dahil nagustuhan niya ang karakter ni Felix Bacat Cabahug.
Ayon sa Hashtags member, “Nung nabasa ko yung script, tinanggap ko nang buo ang karakter ni Felix Bacat Cabahug kasi alam kong maganda ang project.
“Kinabahan ako sa mga sex scene bilang Felix at Wilbert. Parang kinakabahan ang karakter ni Felix, kinakabahan din si Wilbert.
“Oh my God, magpapakita na ako ng mga kung anu-anong bagay. Makikita ng nanay at tatay ko, parang ganoon ang nasa isip ko.
"Pero satisfied ako sa ginawa ko. Wala akong regrets dahil alam kong kailangan siya sa eksena.
“Yung mga nakitang paghuhubad, merong purpose kung bakit ko ginawa, so walang reason para tanggihan ko ang Boy Bastos.
"Maganda ang script, maganda ang karakter, maganda lahat. Yun ang mga dahilan kaya hindi ako nag-doubt kahit konti man lang."
Tulad ng mapusok na karakter ni Felix sa Boy Bastos, mapusok si Wilbert sa tunay na buhay. Pero ikinumpara niya ang sarili sa isang kabayo kapag nagmahal siya ng babae.
“Naka-relate ako sa pagiging mapusok ni Felix, may pagkamanyakis... ay, pagkamanyakis… mapusok lang pala.
"Pero kapag na-in love sa isang tao, nagiging parang kabayo ako na walang makitang ibang babae sa harap ko,” sabi ni Wilbert, na nabigla sa pagsasabing manyakis siya pero hindi na niya nabawi.
SINGER-SONGWRITER
Talented singer at songwriter si Wilbert kaya ipinangako nitong kahit nalilinya siya ngayon sa paggawa ng mga naughty movie, hinding-hindi niya tatalikuran ang kanyang singing career.
Si Wilbert ang nagsulat at kumanta ng mga theme song ng Crush Kong Curly at Boy Bastos dahil ito ang kanyang naisip na paraan para mapagsabay niya ang pag-arte at pagkanta.
Ang Crush Kong Curly ang sex-comedy movie na pinagbidahan nila ni AJ Raval.
“Pinu-push ko po yung music ko, hindi ko pinababayaan. Naglalabas ako ng mga single at ito na po yung plano ko na sana mangyari.
“Sa Crush Kong Curly, ako po yung nagsulat at kumanta ng official sound track.
“For Boy Bastos, ako rin ang nagsulat at nag-perform ng OST.
“Gusto ko siyang gawin na every project ko, as much as possible, I will try my best na makapagsulat ng kanta para habang pinapanood ako, naririnig ang background music na ako ang kumakanta.
"Parang napo-promote ko yung dalawang bagay na mahal ko,” sabi ni Wilbert.