PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrew Muhlach, inaming tinuruang mambabae noon ng yumaong ama

Andrew, idinaan sa pagbabawas ng timbang ang depression.
by Jojo Gabinete
Published Jan 31, 2022
andrew muhlach
Andrew Muhlach: "Na-experience ko po lahat iyan noong high school kasi, honestly, tinuturuan ako ng dad ko na, kunyari, mambabae ako. Basta lahat iyan naranasan ko noong high school."
PHOTO/S: @andrewmuhlach on Instagram

Ang pagiging experimental noong bata pa siya ang isa sa mga coming-of-age experience ni Andrew Muhlach dahil sa mga itinuro ng kanyang pumanaw na ama na si Alvaro “Cheng” Muhlach.

Magkapatid sa ama si Andrew at ang aktor ding si Aga Muhlach.

Ipinagtapat ni Andrew sa media conference ng Boy Bastos na high school student siya nang turuan ng kanyang tatay na mambabae, pero napagtanto niyang hindi iyon tama.

Pahayag niya, “Na-experience ko po lahat iyan noong high school kasi, honestly, tinuturuan ako ng dad ko na, kunyari, mambabae ako. Basta lahat iyan naranasan ko noong high school.

“Nung noong medyo tumanda ako, nag-college ako, inayos ko yung buhay ko na, ‘Uy, parang mali iyan.’

“Ayoko, ayoko ng itinuturo sa akin ng erpats ko.”

Walang pinagsisisihan si Andrew a mga ginawa niya noon dahil sa mga importanteng aral na kanyang natutunan.

ATTAINING HIS IDEAL WEIGHT

Bukod sa magagandang nangyayari ngayon sa kanyang acting career, masaya si Andrew dahil unti-unti nang natutupad ang pangarap nitong makilala bilang isang mahusay na character actor na unang napansin sa karakter na ginampanan niya sa sex-action-thriller movie na Siklo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong nakaraang taon, dumanas ng depression si Andrew. Pero imbes na panghinaan ng loob, ginamit niya ang mga pagsubok para pagtuunan ng atensiyon ang kanyang kalusugan kaya nakamit ng 23-year-old actor ang ideal weight.

Ibinahagi ni Andrew sa Instagram post nito ang mga problemang pinagdaanan pero instrumento para maging maayos ang kanyang buhay kaya mula sa 171 lbs., bumaba sa 151 lbs. ang timbang niya.

Ani Andrew (published as is): “puro problema [ang] dumating sa buhay ko. In-anxiety ako, na-depress ako, naging insecure ako sa katawan ko pero dun ako kumuha ng lakas para ayusin yung buhay ko at sarili ko at itama yung mali.

“Yes, ang daming palpak, ang daming mali pero yung mga nakaraan eh mas lalo ko pang binigyan ng oras yung sarili ko at ang dami ko natutunan.

“Sobrang proud ko sa sarili ko dahil pinaghirapan ko ito nang malala at this time, sobrang tumutok ako sa sarili ko kaya ayun!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang nag-te-thank you ako kay Lord dahil hindi niya ako binitawan kahit nagkaroon ako ng problema na malala.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrew Muhlach: "Na-experience ko po lahat iyan noong high school kasi, honestly, tinuturuan ako ng dad ko na, kunyari, mambabae ako. Basta lahat iyan naranasan ko noong high school."
PHOTO/S: @andrewmuhlach on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results