'90s action star Joko Diaz, balik sa paggawa ng mapupusok na eksena

by Jojo Gabinete
Feb 2, 2022
joko diaz kinsenas katapusan
Joko Diaz on doing steamy scenes again at the age of 50: "Hindi ko ine-expect na ganito ang mapapasukan ko, ito ang trend ngayon sa showbiz. For me, I would like to explore yung karakter ko, kung hanggang saan ako."
PHOTO/S: Vivamax

Ang Siklo, Hugas, at Kinsenas, Katapusan ang mga sexy movie na ginawa ni Joko Diaz nang muli itong maging aktibo sa pag-arte sa huling quarter ng 2021.

Bidang-bida si Joko sa Kinsenas, Katapusan dahil siya ang lead actor sa launching movie ng newcomer na si Ayanna Misola. Pero hindi niya inasahang sa edad na 50, mapapasabak siya sa mga mapupusok na eksena.

“Hindi ko ine-expect na ganito ang mapapasukan ko, ito ang trend ngayon sa showbiz. For me, I would like to explore yung karakter ko, kung hanggang saan ako.

“Yun ang gusto kong i-explore at kung kailangan ko na dumaan sa ganitong sitwasyon, supported naman ako ng family ko kaya okay lang,” paliwanag ni Joko tungkol sa desisyon nitong tanggapin ang daring roles na ibinigay sa kanya ng mother studio niya.

Ang erotic movies na napapanood sa Vivamax ang dahilan kaya mabilis na dumami ang subscribers ng nasabing streaming site.

Continue reading below ↓

Pero kung babalikan ang nakaraan, walang ipinagkaiba ang mga pelikula ngayon sa sexy-action films na ginawa ni Joko noong dekada ’90.

Ang Masamang Damo ang 1996 action movie ni Joko na kontrobersiyal dahil inireklamo ng kanyang leading lady ang mga makatotohanang love scenes nila. Hanggang ngayon, napapanood sa Internet ang film clips ng nagbabagang love scenes sa Masamang Damo na unang ginawa ni Joko noong kabataan niya.

masamang damo poster

Continue reading below ↓

Nagmistulang amateur actors sina Luis Hontiveros, Rash Flores, at Vince Rillon sa mga eksena nila sa Palitan at Siklo na nakikipagtalik sa kanilang mga kapareha na aktres habang nasa falls sila.

Tanggap ni Joko na halos nagkakapareho ang career path nila ng kanyang pumanaw na ama, ang mahusay na character actor na si Paquito Diaz na nagbida rin noon sa sexy films.

Gaya ng controversial scene ni Joko sa Masamang Damo, napapanood pa rin sa Internet ang explosive love scene ng kanyang ama at ni Ma. Isabel Lopez sa 1985 movie na Isla.

isla poster

Continue reading below ↓

Noong 1971, ginawa ni Paquito ang international movie na Women in Cages na mula sa direksyon ni National Artist for Film Gerry de Leon. Sexy-action movie ang Women in Cages na paboritong pelikula ng American filmmaker na si Quentin Tarantino, na ipinagmamalaking tagahanga siya ni De Leon.

women in cages poster

May katuturan ang sexy films na ginawa noon ni Paquito na nauulit at nangyayari ngayon kay Joko dahil sa mga pelikulang tinatampukan nitong sexy-action ang mga tema.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joko Diaz on doing steamy scenes again at the age of 50: "Hindi ko ine-expect na ganito ang mapapasukan ko, ito ang trend ngayon sa showbiz. For me, I would like to explore yung karakter ko, kung hanggang saan ako."
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results