Sa lahat ng mga akusado sa kontrobersiyal na pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera, tanging si Mark Anthony Rosales ang hindi nakilala ng publiko.
Ito ay dahil hindi siya lumantad o nagpaunlak noon na makapanayam ng mga miyembro ng media para ipagtanggol ang sarili.
Ipinaubaya ni Rosales sa Panginoong Diyos ang kapalaran niya, nagtiwala siya sa batas, at piniling manahimik dahil wala raw katotohanan ang mga mabibigat na paratang laban sa kanya.
"Administering of illegal drugs" kay Dacera ang reklamo laban kay Rosales sa trahedyang nangyari sa City Garden Grand Hotel, sa Makati City, noong January 1, 2021.
Ibinasura ng Makati Prosecutor’s Office ang kaso dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya.
“There is no proof of evidence that could establish the alleged administration of any illegal drug into the body,” bahagi ng resolusyon ng Makati City Prosecutor’s Office kaya ibinasura ang lahat ng mga reklamo laban sa lahat ng mga nasangkot sa pagkamatay ni Dacera.
ROSALES BREAKS HIS SILENCE
Ngayong Martes, February 8, 2022, pumayag si Rosales na magsalita sa Cabinet Files para ibahagi ang personal niyang karanasan.
Nais din niyang maiparating ang lubos na pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kanya sa panahon na matinding pagsubok na pinagdaanan niya.
Si Rosales ay isang celebrity hairstylist at may-ari ng Marqed Salon sa San Juan City.
"What I’ve gone through was the toughest moment in my life," umpisang pahayag ni Rosales sa pakikipag-usap niya sa Cabinet Files.
“It was like a roller-coaster ride wherein I almost lost hope. But surely in your darkest hour, si God can comfort you and gagamit Siya ng mga tao na will help you."
Kabilang sa pinasalamatan ni Rosales ay ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia.
Read: Gabbi Garcia expresses support for friend, Dacera case respondent Mark Anthony Rosales
Saad niya, “I am very thankful to all the people who believed in, me especially the people who never let go of me during those difficult times, like Gabbi Garcia who stood by my side and fought for the truth.
“She is not just my muse pero pamilya talaga kami. Hindi niya ako iniwan kahit the whole world is judging me. I will always cherish that."
Dagdag pa ni Mark, “To my core, my family, I couldn’t be more grateful. They stood by my side until the storm was over.”
Hindi ipinagkaila ni Rosales na nawalan siya ng kontrol sa kanyang buhay nang madawit ang pangalan niya sa pagkamatay ni Christine.
Kahit popular celebrity hairstylist, tahimik na tao si Rosales at malaki ang pagpapahalaga nito sa privacy kaya nagulo nang husto ang kanyang mundo.
Pero nahanap ni Rosales ang kapayapaan na hinahanap nang isuko niya sa Diyos ang lahat ng kanyang mga alalahanin.
Aniya, “There are times na ayoko na rin at gusto ko nang sumuko dahil akala ko, wala na akong babalikan. Ayaw ko na talaga.
“Pero I remember what my Pastor Tito said na God is greater to everyone. During those days na I’m out of control talaga, I surrendered na lang to God.
“Ang prayer ko is whatever His plan is tatanggapin ko na lang. I will just follow Your lead and God is so good.
“He made sure na maging okay ako as long I put may faith in Him. Wala Siyang binawi sa akin.”
Ano ang mga realization niya sa kanyang mga naranasan noong nakaraang taon dulot ng pagkakasangkot niya sa isyu ng pagkamatay ni Christine?
Tugon ni Rosales, “I realized the importance of family. Family is everything. Sila yung totoong nagbibigay ng unconditional love.
“And I also realized na it’s a must in our lives to have a strong relationship kay GOD because He will reward you with all His blessing.
“I also learned that you could lose anything in a snap but what matters the most is your relationship with the people you love, so it’s very important to treasure and value people because they will stand by you and inspire you not to lose hope.”