PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Blind item actress confronts executive lobbying for Toni Gonzaga

Actress to production exec: "Bakit pinapatay ninyo ang kapwa Kapamilya ninyo?"
by Jojo Gabinete
Published Feb 9, 2022
Actress to production executive lobbying for Toni Gonzaga to allegedly win an award that is meant for her: "Bakit ganoon? Di ba Kapamilya kayo, bakit pinapatay ninyo ang kapwa Kapamilya ninyo?"
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

Ang kaliwa’t kanang batikos na inabot ni Toni Gonzaga mula sa mga executive, empleyado, at dating empleyado ng ABS-CBN ang nagpaalaala sa isang aktres tungkol sa kanyang malungkot na karanasan ilang taon na ang nakalilipas.

Ang aktres ang napili ng isang award-giving body para parangalan dahil sa tagumpay ng kanyang mga proyekto, pero nalaman niyang si Toni ang isinusulong o pambato ng ilang executives ng network.

Nakumpirma ng aktres na totoo at hindi basta tsismis ang balitang nakarating sa kanya dahil kinausap siya ng isang miyembro ng award-giving body tungkol sa sitwasyon.

Nasaktan at iniyakan ng aktres ang kanyang natuklasan pero hindi niya sinisi si Toni dahil alam niyang walang kinalaman ang TV host-actress sa naganap noong lobbying ng award.

Nang magkaroon ng sapat na ebidensiya ang aktres, umiiyak na kinausap at sinumbatan niya ang isang production executive na nasasangkot sa isyu.

"Bakit ganoon? Di ba Kapamilya kayo, bakit pinapatay ninyo ang kapwa Kapamilya ninyo?" sobrang sama ng loob na sumbat ng aktres sa production executive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nakakibo ang production executive dahil hindi niya inaasahang kakausapin siya ng aktres.

Sa huli, ang aktres pa rin ang pinagkalooban ng parangal dahil napatunayan ng award-giving body officials na siya ang tunay na nagwagi.

Nagbanta rin ang mga advertiser na hindi itutuloy ang ipinangakong sponsorship kapag pinalitan ang winner.

HOT ISSUE INVOLVING TONI GONZAGA

Nanumbalik sa aktres ang kanyang masakit na karanasan nang mabasa niya sa social media kahapon, February 9, 2022, ang mga batikos at panunumbat ng production executive kay Toni.

Masama ang loob ng production executive at ng ilan pang Kapamilya ni Toni dahil hindi raw nito isinaalang-alang ang kalbaryong dinanas ng libu-libong mga empleyadong nawalan ng trabaho pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN.

Read: Toni Gonzaga criticized by Kapamilya supporters, colleagues for hosting Marcos-Duterte rally; Toni "unbothered"?

Anila, masakit na si Toni pa ang nagpakilala kay SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta bilang isa sa mga senador na kabilang sa senatorial line-up ng UniTeam.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ginanap iyon sa proclamation rally nina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan kahapon, February 8.

Si Marcoleta ang isa sa 70 kongresista na aktibo at nanguna noong 2020 para hindi mabigyan ng panibagong 25-year franchise ang ABS-CBN.

Marami ang apektado sa pagsasara ng ABS-CBN kaya naging personal ang mga paninira laban kay Toni ng mga dating executive at empleyado ng Kapamilya Network.

A DOSE OF UNNAMED PERSON'S OWN MEDICINE?

Nang makita ng aktres ang mga masasakit na kritisismo ng production executive kay Toni, nasabi niya sa sarili na alam na nito ang pakiramdam ng mapagkanulo.

"At least, baka sakaling alam na niya ngayon kung gaano kasakit ang kanilang ginawa dahil naramdaman nila ngayon ang matinding sakit ng kalooban na naranasan ko noon," saad ng aktres hinggil sa di pinangalanang production executive.

Sa gitna ng mga batikos sa kanya, nagpaalam si Toni bilang host ng ongoing Kapamilya reality franchise show na Pinoy Big Brother.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya ang resident main host ng show mula nang una itong umere sa ABS-CBN labing-anim na taon ang nakararaan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress to production executive lobbying for Toni Gonzaga to allegedly win an award that is meant for her: "Bakit ganoon? Di ba Kapamilya kayo, bakit pinapatay ninyo ang kapwa Kapamilya ninyo?"
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results