PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Francine Prieto's witty remark about her beauty-pageant journey

First Lady, may apat na beauty titleholdeers at isang "Miss Lux."
by Jojo Gabinete
Published Feb 9, 2022
francine prieto first lady
Nagamit ni Francine Prieto ang kanyang pagka-witty sa virtual mediacon ng First Lady nang mabanggit na ilan sa cast members ay nanalo sa beauty pageants. Sumali si Francine sa Binibining Pilipinas noong 2003.
PHOTO/S: GMA Network

Hindi nagkamali ang GMA-7 sa muling pagkuha sa serbisyo ni Francine Prieto.

Naturally witty si Francine kaya isa siya sa mga maituturing na asset sa First Lady, ang sequel ng First Yaya na mag-uumpisang mapanood sa darating na Lunes, February 14, 2022.

Nasubukan ang wit at pagiging quick thinker ni Francine sa virtual media conference para sa cast ng First Yaya dahil sa tanong kay Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina.

Tanong kay Maxine tungkol sa kanyang co-stars: “Alam mo bang Bb. Pilipinas-Universe winner si Pilar Pilapil at former Binibining Pilipinas contestant si Francine?”

“Yes, I know, kaya po ako na-excite to be part of First Yaya,” sagot ni Maxine.

“Since day one pa lang ng taping [ng First Yaya], magkatsika na kami ni Tita Pilar. Ang dami niyang ikinukuwento sa akin about her past, nanalo siyang Miss Universe Philippines.

“Sobrang nag-look forward ako na baka maging katulad din niya ako...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And, of course, kay Miss Francine, alam ko din po na naging beauty queen po siya and I am looking up to her, of course.”

Nang marinig ni Francine ang sinabi ni Maxine, hindi niya kinontra ang pahayag ng Miss Universe Philippines 2016.

Dahil hindi naman siya nanalo sa beauty pageant na sinalihan, idinaan ni Francine sa biro ang kanyang reaksiyon.

“Miss Lux ako, Miss Lux. Better lux next time!” sabi ni Francine, bilang “thank-you girl” siya nang sumali sa 40th Binibining Pilipinas noong March 2003.

Hindi lamang sina Pilar, Maxine, at Francine ang cast members ng First Lady na lumahok sa mga beauty pageant bago pumasok sa showbiz.

Beauty title-holder din sina Alice Dixson, Bb. Pilipinas-International 1986, at Thia Thomalla, Miss Eco International winner noong 2018.

Nagplano si Thia na sumali sa Miss Universe Philippines noong 2020, pero nagbago ang kanyang isip at nagdesisyong mag-focus sa acting career niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento niya, “Noong 2020 talaga dapat yung comeback ko and, sad to say, God has other plans for me.

“Tanggap ko na yung reason, yung path Niya para sa akin. I’m really happy [with] where I’m at right now.

“I’m turning 27 this month, so papunta na sa disqualification age kaya hindi na talaga puwede kaya mag-move on na tayo. Wala na po akong plans.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagamit ni Francine Prieto ang kanyang pagka-witty sa virtual mediacon ng First Lady nang mabanggit na ilan sa cast members ay nanalo sa beauty pageants. Sumali si Francine sa Binibining Pilipinas noong 2003.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results