Sigurado na ang pagsali sa Miss Universe Philippines 2022 ng aktres at ng Miss World Philippines 2019 na si Michelle Dee, ang 26-year-old daughter ng aktres at Miss International 1979 Melanie Marquez.
Ginamit ni Michelle ang kanyang Instagram account para ipaalam sa publiko ang paglahok niya sa Miss Universe Philippines 2022.
Nakatakda sa April 30, 2022 ang koronasyon ng bagong mananalo at magiging kinatawan ng Pilipinas sa 71st Miss Universe na magaganap sa September 2022.
“It’s now or never. Hey Universe, my application video is now live on Kumu. Please check it out if you can,” announcement ni Michelle tungkol sa kanyang pagsali sa Miss Universe Philippines na nilagyan niya ng hashtags na #Deepataposanglaban at #forDeeuniverse.
“#DEEstroy” ang reaksiyon ni Marco Gumabao sa IG post ni Michelle.
Tumanggap din si Michelle ng positive comments mula sa mga kasamahan niya sa entertainment industry gaya nina Heart Evangelista, Lovi Poe, Miss World 2013 Megan Young, at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
“Gurl yazzz,” reaksiyon ni Heart.
“Girl. Girl [fire emojis],” sabi ni Lovi.
“Let’s gooooo queen!!!” komento ni Megan.
“Oh wow!!” pahayag naman ni Pia.
Kung papalarin si Michelle makuha ang Miss Universe Philippines 2022 crown, siya ang magiging successor ni Beatrice Luigi Gomez.
Si Beatrice ang first openly lesbian Miss Universe Philippines winner na Top 5 finalist sa 70th Miss Universe na idinaos sa Eilat, Israel noong December 13, 2021.
Hindi si Beatrice ang kauna-unahang openly gay candidate sa Miss Universe Philippines dahil sumali at nagwaging 4th runner-up sa Miss Universe Philippines 2020 si Kimberly “Billie” Hakenson ng Cavite.
Si Rabiya Mateo ang nanalong Miss Universe Philippines noong October 2020.