PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diego Castro nagpaalam na sa UNTV; lumipat sa One PH

Diego Castro, magiging bahagi na ng One Balita Pilipinas.
by Jojo Gabinete
Published Feb 16, 2022
diego castro
News anchor at dating aktor na si Diego Castro, nagpaalam na sa UNTV at magsisimula bilang bagong co-anchor ng One Balita Pilipinas sa One PH.
PHOTO/S: @diegokcastro on Instagram

Nagwakas na ang siyam na taon na paglilingkod ni Diego Castro bilang news anchor ng UNTV.

Lumipat na siya sa kanyang bagong tahanan, ang One Ph, ang teleradio news channel ng MediaQuest Holdings Inc. na nagmamay-ari rin sa TV5.

Kahapon, February 15, 2022, ang huling araw ni Diego sa UNTV.

Ipinaabot niya ang pasasalamat sa management at sa lahat ng kanyang mga kasamahan sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Mensahe ni Diego: “See you soon for now… And so painfully today was my last day at Good Morning Kuya on UNTV.

“The last 9-years has been fantastic and I love all of you guys, down from production to all my co-hosts. It is rare in the TV business but I could say GMK was more than a work, it was family. Thank you GMK, UNTV & Kuya Daniel [Razon] for trusting in me.”

Ngayong Miyerkules nang gabi, February 16, opisyal na ipakikilala si Diego bilang bagong miyembro ng One PH at tag-paghatid ng mahahalagang impormasyon sa One Balita Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula ang TV career ni Diego bilang teen actor at contract star ng ABS-CBN noong 1996. Ngunit mas sumikat siya nang lumipat sa GMA-7 at naging cast member ng dating teen-oriented show na T.G.I.S.

Mula sa pagiging aktor, ni-reinvent ni Diego ang sarili bilang news anchor na inaasahan ng lahat dahil sinundan niya ang yapak ng kanyang mga magulang na multi-awarded broadcasters—sina Angelo Castro at June Keithley, na pareho nang namayapa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit hindi na siya umaarte sa harap ng kamera, nananatiling may koneksiyon si Diego sa showbiz dahil talent ng GMA-7 ang kanyang anak na si Claire Castro.

Si Claire ay anak ni Diego sa dating karelasyon at ka-love team sa T.G.I.S. na si Raven Villanueva.

Sa mga susunod na araw, posibleng maging sentro ng usapan si Diego na makatutulong para lalong maramdaman ang partisipasyon niya bilang anchor ng One PH.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
News anchor at dating aktor na si Diego Castro, nagpaalam na sa UNTV at magsisimula bilang bagong co-anchor ng One Balita Pilipinas sa One PH.
PHOTO/S: @diegokcastro on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results