PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Netizens tell their own stories after bullying story of Ella Cruz

Kso ng school bullying, bumaba dahil sa coronavirus pandemic.
by Jojo Gabinete
Published Feb 25, 2022
ella cruz
Matapos mabasa ang naging karanasan ng aktres na si Ella Cruz sa bullying, maraming netizens na naging biktima rin ng pambu-bully ang nagbahagi rin ng sarili nilang karanasan.
PHOTO/S: @ellacruz on Instagram

Ang rebelasyon ni Ella Cruz na biktima ito ng bullying noong high school student siya sa isang paaralan sa Bulacan ang naging daan o instrumento para ipagtapat ng mga nakabasa sa kanyang kuwento na, tulad ng 25-year-old actress, nakaranas din sila ng pambu-bully noong kabataan nila.

Biglang sinampal nang walang dahilan habang naglalakad sa school hallway at tinawag na "laos" ang ilan sa mga pang-aaping naranasan ni Ella noong nag-aaral pa siya.

Read: Ella Cruz, tinawag na "laos" at sinampal nang walang dahilan ng high school classmate

Pero mas matitindi at nakapanglulumo ang bullying experience ng ilang netizens na nagbasa at nagkomento sa PEP.ph website at Facebook page sa artikulo tungkol sa kanya.

Sa halos dalawang libong komento sa Facebook page ng PEP.ph, ibinahagi ng netizens ang sarili nilang karanasan sa bullying dahil nakita nila ang sarili sa katauhan ni Ella.

ella cruz pep post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakalulungkot at nakakaiyak ang mga kuwento na parang sa pelikula lamang nangyayari pero nagaganap sa tunay na buhay.

Higit na nakalulungkot na malamang pinili na lamang ng karamihan sa mga biktimang manahimik at huwag lumaban dahil nangibabaw ang takot.

Narito ang ilan sa kanilang mga kuwento:

ella cruz bullyingella cruz

ella cruz bullying

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ella cruz bullying

ella cruz bullying

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lingid sa kaalaman ni Ella, ang bullying experience na ikinuwento niya sa media conference ng The Seniors noong February 22 ang naging inspirasyon at nag-udyok sa netizens na ilabas ang mga sama ng loob na matagal nang kinikimkim at, kahit papaano, nakatulong para lumuwag ang kanilang mga pakiramdam.

Mapapansing may mapapait na alaala dahil biktima rin ng bullying ang masisipag na bashers sa FB page at comments section ng PEP.ph kaya maiintindihan ang pinagmumulan ng kanilang galit sa mundo.

Ibinubuhos ng bashers na bullying victims ang pagkamuhi nila sa pamamagitan ng mga mabababaw, masasakit, at maaanghang na opinyon laban sa mga isyu at artistang pumupukaw sa kanilang imahinasyon, interes at atensyon.

Hindi lamang ang mga kabataan ang biktima ng bullying sa eksuwelahan dahil laganap din ang bullying sa social media na bumibiktima sa lahat ng edad, kasarian at estado ng mga tao sa lipunan.

Sa report ng cyberbullying.org noong September 2021, bumaba ang mga kaso ng school bullying dahil sa coronavirus pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi nabawasan ang mga insidente ng cyberbullying kaya dapat maging mapagmasid at higpitan ng mga magulang ang pagbabantay para maiwasan at mapigilang mabiktima ng mga bully ang kanilang mga anak.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos mabasa ang naging karanasan ng aktres na si Ella Cruz sa bullying, maraming netizens na naging biktima rin ng pambu-bully ang nagbahagi rin ng sarili nilang karanasan.
PHOTO/S: @ellacruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results