Watch Now

Cebuana trans woman Fuschia Anne Ravena kinoronahang 1st Miss International Queen Philippines

by Jojo Gabinete
Mar 7, 2022
Fuschia Anne Ravena
Si Fuschia Anne Ravena ang kinoronahang 1st Miss International Queen Philippines at magighing kinatawan ng Pilipinas sa Miss International Queen 2022.
PHOTO/S: @ fuschia_karen on Instagram

Patuloy ang winning streak ng mga kababayan natin mula sa Cebu sa mga national beauty pageant dahil isang Cebuana ang itinanghal bilang 1st Miss International Queen Philippines — ang trans woman na si Fuschia Anne Ravena.

Si Ravena ang karagdagan sa listahan ng Cebuana beauties na nanalo ng mga beauty title noong 2021: sina Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez, Miss World Philippines Tracy Maureen Perez, at Miss Multinational Philippines Shaila Mae Rebortera.

Nagmula rin sa Cebu si Joey Rey Carcasona, ang reigning Mr. Gay World.

Si Ravena ang opisyal na kinatawan ng Pilipinas sa Miss International Queen 2022, ang prestigious international beauty contest para sa transwomen na magaganap sa June 25, 2022.

Taun-taong idinaraos ang Miss International Queen 2022 sa Pattaya, Thailand mula pa noong 2004.

Binigyan ng importansiya ng Miss International Queen Philippines Organization sina Miss International Queen 2012 Kevin Balot at Miss International Queen 2015 Trixie Maristela na kapwa dumalo sa koronasyong naganap sa SMX Convention Center, Pasay City, kahapon, March 6.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinakilala ang dalawa sa opening production number ng patimpalak.

First runner-up si Anne Patricia Lorenzo Diaz ng Maynila ang second runner-up si Shane Lee Ahn ng Inayawan, Cebu sa Miss International Queen Philippines 2022.

Dati-rati, madali sa Filipina transgender women ang lumahok sa Miss International Queen dahil may binabayaran lamang silang application fee para makasali kaya may pagkakataong dalawa hanggang apat na Pilipino ang mga kandidata sa beauty pageant na isa sa mga tourist attraction sa Tiffany Show Theatre sa Pattaya, Thailand.

Noong November 10, 2015, nasaksihan namin nang personal ang tagumpay ni Trixie dahil siya ang nagwaging Miss International Queen at dalawang Pilipina ang nakalaban niya — sina Michelle Binas at Francine Garcia na parehong kabilang sa sa listahan ng Top 10 candidates.

Hindi baguhan si Ravena sa pagsali sa mga beauty pageant para sa transgender women dahil lumahok na siya sa Super Sireyna Philippines ng Eat Bulaga! noong 2018 bilang “look-alike” ni Janine Gutierrez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nanalo si Ravena sa Super Sireyna Philippines 2018, pero siya ang tumanggap ng special award para sa best in costume.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Fuschia Anne Ravena ang kinoronahang 1st Miss International Queen Philippines at magighing kinatawan ng Pilipinas sa Miss International Queen 2022.
PHOTO/S: @ fuschia_karen on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results