Watch Now

Joel Rey Carcasona, opisyal na ang pagiging Mr. Gay World 2021

by Jojo Gabinete
Dec 29, 2021
joel rey carcasona mr. gay world 2021
Si Joel Rey Carcasona ng Pilipinas ang bagong Mr. Gay World 2021. Ito ay pagkatapos mag-resign ng nanalong si Louw Breytenbach ng South Africa pagkatapos lamang ng dalawang buwan matapos ang pageant. Bilang first runner-up, si Carcasona ang awtomatikong humalili sa binakanteng titulo.
PHOTO/S: @joelreycarcasona on Instagram

Opisyal na ang pagiging bagong Mr. Gay World 2021 ni Joel Rey Carcasona ng Pilipinas.

Inihayag ito ng Mr. Gay World Organization ngayong Miyerkules ng hapon, December 29, 2021.

Si Carcasona ang first runner-up ng 13th Mr. Gay World winner na si Louw Breytenbach sa virtual coronation na nangyari sa South Africa noong October 31, 2021.

Pero hindi tumagal ng dalawang buwan ang paghahari ni Breytenbach dahil sa mga reklamo niya laban sa Mr. Gay World Organization kaya nagbitiw siya.

Isinalin ng Mr. Gay World Organization ang titulo at korona ng Mr. Gay World 2021 kay Carcasona.

Dahil dito, nagkaroon na ng katuparan ang three-peat ng Pilipinas sa Mr. Gay World.

Si John Jeffrey Carlos ang nanalo sa 11th edition ng Mr. Gay World noong 2019, at si Leonard Kodie Macayan naman ang nagwagi sa virtual coronation ng 12th Mr. Gay World na idinaos noong October 17, 2021.

mr. gay world 2021 winners

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MR. GAY WORLD WINNERS FROM THE PHILIPPINES: (from left) John Jeffrey Carlos (2019), Leonard Kodie Macayan (2020), and John Rey Carlos (2021).

Ito ang opisyal na pahayag ng Mr. Gay World tungkol sa desisyon ng organisasyon na ideklara si Carcasona bilang 13th Mr. Gay World:

Following the resignation of Mr. Gay World™ 2021 Louw Breytenbach from South Africa, the organisation is delighted to announce that first runner-up Joel Rey Carcasona from the Philippines will take over the role for the remainder of the reign.

This will see both of the concurrent titleholders represent the same country after Kodie Macayan from the Philippines won Mr Gay World™ 2020.

Carcasona is 28 years old from the central Philippines region of Cebu City, is a registered nurse and wants to be an advocate for health, especially to the LGBTQ+ community.

In the Mr. Gay World™ 2021 competition, Carcasona was successful in taking out the Social Media Presence category and performed strongly enough in all other areas to see him ranked second initially and now taking over the title.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Speaking about the announcement, Carcasona said he was incredibly humbled to be given this opportunity.

"I would firstly like to express my sincerest thanks to Louw Breytenbach for his work in his time as Mr. Gay World™," Carcasona said.

"I look forward to using my new profile to push for my advocacy which is universal health care and welfare of the people especially the LGBTQ+ community since it’s very timely, especially now that we are still in the clutches of the pandemic.

"Helping people provide the right information and encouraging my fellow health care workers to wear rainbow pins, badges, or lanyards so we could have a friendlier, happier, and most of all, a healthier community.

“I look forward to working with Mr. Gay World™ 2020 and fellow Philippino Kodie Macayan both here at home but also in all parts of the world."

The concurrent titleholders will work closely with the Gay World Foundation NPC to help spread the word and raise valuable funds for LGBTQ+ organisations across the globe for the next 12 months or until the next Mr. Gay World™ is conducted.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Carcasona ang pangatlo mula sa Cebu na naging kinatawan ng ating bansa sa mga international beauty pageant para sa 2021.

Kababayan ni Carcasona si Beatrice Luigi Gomez, isa sa mga Top 5 candidate ng 70th Miss Universe at si Tracy Maureen Perez, ang official delegate ng Pilipinas sa 70th Miss World na ipinagpaliban sa March 16, 2022 ang koronasyon dahil sa COVID-19 outbreak sa mga kandidata at production staff.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Joel Rey Carcasona ng Pilipinas ang bagong Mr. Gay World 2021. Ito ay pagkatapos mag-resign ng nanalong si Louw Breytenbach ng South Africa pagkatapos lamang ng dalawang buwan matapos ang pageant. Bilang first runner-up, si Carcasona ang awtomatikong humalili sa binakanteng titulo.
PHOTO/S: @joelreycarcasona on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results