PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Son of presidential aspirant Ka Leody de Guzman is a proud LGBT member

"Walang naging isyu."
by Jojo Gabinete
Published Mar 8, 2022
Dexter de Guzman, Ka Leody de Guzman
Dexter de Guzman on how his family never made him feel unwanted: "Part of growing up, never naman ako naka-experience ng discrimination sa friends, sa family or lalung-lalo na sa father ko, kay Tatay. Sinuportahan naman niya ako sa kung ano yung pinili ko and sa choices ko in life."
PHOTO/S: Screengrab from The Boy Abunda Talk Channel

Blessed o pinagpala ang pakiramdam ni Dexter De Guzman, ang 27-year-old youngest son ng presidential aspirant na si Leodegario "Ka Leody" De Guzman ng Partido Lakas ng Masa.

Ito ay dahil buong puso at walang pagtatanong na tinanggap ng kanyang mga magulang ang tunay na pagkatao niya.

Si Dexter at ang kanyang kapatid na si Leah ang mga nakausap ni Boy Abunda para sa unang episode ng "The Interviews of the Wives and Children of The 2022 Presidential Candidates" na mapapanood sa The Boy Abunda Talk Channel sa YouTube.

Ang pakikipag-usap sa asawa at isang anak ng mga presidential candidate ang konsepto ng The Interviews of the Wives and Children of The 2022 Presidential Candidates.

Pero hindi nakasama ang asawa ni Ka Leody na si Marieza dahil hindi ito pinayagan ng bangko na kanyang pinaglilingkuran nang ipagpaalam niya ang magaganap na interbyu.

Nangyari ang panayam ni Boy kina Leah at Dexter sa maliit pero maayos at napakalinis na tahanan ng mga De Guzman sa Cainta, Rizal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang bahagi ng kanilang pag-uusap, binanggit ni Boy na excited siya na makausap si Dexter dahil sa sexual orientation nito.

May common denominator ang dalawa dahil gaya ni Boy, hindi naranasan ng bunsong anak ni Ka Leody na magkaroon ng "coming out moment" sa kanyang pamilya.

"Walang nangyaring coming out," lahad ni Dexter.

Pero mapalad daw siya dahil hindi isyu sa kanyang pamilya ang pagiging miyembro niya ng LGBTQ+ community.

Ipinagtapat ni Ka Leody kay Boy na alam na niya ang sexual orientation ni Dexter noong tatlong taon pa lamang ang edad ng kanyang anak.

Ayon naman kay Dexter, teenager na siya nang mapagtanto niya ito.

"Ako nga, nagtataka rin kasi nga lumaki ako surrounded ako ng childhood friends ko. Lahat kami mga lalake—the usual—nagba-bike, naglalaro ng Playstation, video games Beyblade, Tamiya…

"Then parang mid-high school, parang sabi ko iba. Na-a-attract ako sa same sex or sa lalake," ang sincere na kuwento ni Dexter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NO JUDGMENT FROM FAMILY

Masuwerte raw siya dahil hindi niya naranasan na maging biktima ng dikriminasyon.

"Part of growing up, never naman ako naka-experience ng discrimination sa friends, sa family or lalung-lalo na sa father ko, kay Tatay.

"Wala naman, I mean sinuportahan naman niya ako sa kung ano yung pinili ko and sa choices ko in life."

Naniniwala si Dexter na malinaw sa kanyang mga magulang ang sexual orientation niya dahil kahit minsan, hindi siya nakarinig ng mga pagtatanong mula sa mga ito.

"Siguro, may idea sila. Alam na nila. Hindi ko na-experience na magsabi sa kanila. Yun nga, coming out na, 'Mommy, tatay, I’m gay.' Wala naman ganoon nangyari. Walang naging isyu."

FIRST TIME TO BRING HOME A BOYFRIEND

College graduate na si Dexter nang dalhin nito sa kanilang tahanan ang kanyang boyfriend na ipinakilala niya bilang kaibigan.

Pero malakas ang kutob ni Dexter na alam ng pamilya niya ang katotohanan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"After college, naaalaala ko sa una, ipinakilala ko as friend, pero alam ko naman na alam na nila na partner ko ‘yon, boyfriend ko ‘yon.

"Yun ang isa pa sa gusto kong sabihin na napaka-comfortable ng family ko,” ang may pagmamalaki na sabi ni Dexter.

Si Dexter ay nagtatrabaho sa isang cruise ship at dito rin niya nakilala ang kanyang karelasyon sa kasalukuyan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dexter de Guzman on how his family never made him feel unwanted: "Part of growing up, never naman ako naka-experience ng discrimination sa friends, sa family or lalung-lalo na sa father ko, kay Tatay. Sinuportahan naman niya ako sa kung ano yung pinili ko and sa choices ko in life."
PHOTO/S: Screengrab from The Boy Abunda Talk Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results