PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Limang presidential candidates, humarap sa KBP forum

Leody, Ping, Isko, Manny, at Leni, may pitch kung sino ang deserving president.
by PEP Troika
Published Feb 4, 2022
Leody de Guzman, Ping Lacson, Isko Moreno, Manny Pacquiao, Leni Robredo
Leody de Guzman, Ping Lacson, Isko Moreno, Manny Pacquiao, at Leni Robredo (L-R) may pitch kung bakit sila deserving maging president.
PHOTO/S: ABS-CBN News YouTube

JERRY OLEA

Nabigyan ng sapat na panahon ang limang presidential aspirants para ipaliwanag ang kani-kanyang plataporma at adhikain sa Panata Sa Bayan: The Presidential Candidates Forum nitong Pebrero 4, Biyernes, 9:00 a.m. hanggang alas dose ng tanghali.

The forum was aired and livestreamed by over 300 KBP (Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas) stations nationwide, including the major organizing networks—TV5, Cignal, CNN Philippines, A2Z, ABS-CBN, Bombo Radyo, Far East Broadcasting Company (FEBC), Manila Broadcasting Company (MBC), Radio Mindanao Network (RMN), and Radyo Pilipino.

Sa Town Hall rounds, tig-iisang minuto sina G. Leody de Guzman, Senator Ping Lacson, Mayor Isko Moreno, Senator Manny Pacquiao, at Vice President Leni Robredo upang sagutin ang mga tanong ng panelists.

Sa pagtatapos ng forum, tig-iisang minuto rin sila para sa kanilang pitch kung bakit sila ang dapat ibotong presidente sa eleksyon sa Mayo.

LEODY DE GUZMAN

Buena manong nagsalita si G. Leody na naniniwalang karapat-dapat mamuno ang isang "lider manggagawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag niya: "Ako dapat ang mahalal bilang pangulo sapagkat lahat ng klase ng pangulo sa nakaraan ay nasubukan natin.

"Yung mga kandidato na galing sa tuktok ng ating lipunan. Yung mga bilyonaryo. Yung mga elitista.

"Pero pagkatapos ng kanilang termino, walang nangyayari dahil ang pinapaboran lamang ay ang mga mayayaman at kapitalista.

"Kaya ang nangyayari—ang mayaman, yaman nang yaman. Ang mahirap ay hirap nang hirap.

"Kaya subukan natin yung isang lider manggagawa na hindi nangangako kundi sa mas mahabang panahon, sa loob ng 38 years ay inilalaban na ang bitbit-bitbit na plataporma hanggang sa kasalukuyan.

"Kaya’t ako’y naniniwala, na ang kinakailangan natin ay bagong pulitika. Pulitika ng masa, pulitika ng mamamayan… hindi ng iilan."

ISKO MORENO

Pangalawang nagsalita si Mayor Isko na nagsabing "mabilis na aksyon at tunay na solusyon" ang kaya niyang gawin para sa problema ng bansa.

"Ako po, mga kababayan, tulad ni Senator Manny Pacquiao at saka ni Ka Leody, kami po, galing sa wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagsikap kami. Nagtaguyod kami, pinagbuti namin ang aming trabaho. Salamat sa Diyos, nakaahon kami sa kinalalagyan namin sa kalugmukan ng ating lipunan.

"Ngayon, katulad din ni Senator Ping Lacson, naniniwala ako sa kanya. Siya, on the ground nung panahon lalo na nung nilalabanan niya yung kurapsyon.

"I do believe in that. Because that’s what kind of leaders, na ito, nakakaunawa sa tao, marunong kumilos, marunong umaksyon. Hindi analyze-analyze paralyze.

"What we need is maghanap ng tunay na solusyon, mabilis na aksyon. Ako po, mga kababayan, aplikante po ninyo. I can get things done.

"Kaya ko po yung trabaho, at may resulta, at may pruweba. ‘Yan po ang aking obligasyon sa inyo."

PING LACSON

Ang closing statement ni Senator Ping ay tungkol sa pagnanais niyang ibalik ang trust ng tao sa gobyerno.

"To Filipino people, when the dust settled in the war zone, and all programs and platforms were heard, I sincerely hope that I was able to present myself as the leader we need—competent, qualified, and with the wealth of experience.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ito ang aking panata sa bayan: towards the end of my term as president, there should be no doubt in the mind of every Filipino that we are better off than we started.

"That our people trust our government much better than ever before."

MANNY PACQUIAO

Pang-apat si Senator Pacquiao, at ang kanyang closing statement ay tungkol sa pagkakaroon daw niya ng pang-unawa sa suliranin ng mga mahirap.

"Marami na pong namuno sa ating bansa na sinasabing matatalino, pero ano po ang nangyari sa atin?

"Mas lalo pong dumami ang paghihirap. Dumami ang naghihirap na mga Pilipino.

"Kaya po ako ang nararapat na mamuno ng ating bansa, dahil ramdam ko po ang naramdaman at pinagdaanan ng ating mga kababayan.

"Kung paano ako nangarap para iahon sa kahirapan ang aking pamilya, ang aking mga relatives, ganun din po ang aking pangarap na maiahon sa kahirapan ang buong sambayanang Pilipino.

"Na magbigay ng magandang kinabukasan sa ating mga kababayan, lalung-lalo na yung maayos na tahanan, yung libreng pabahay natin para sa ating mga kababayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At trabaho po para sa ating mga kababayan. Negosyo, hanapbuhay sa bawat pamilya. Iyan po ang titiyakin ko, lalung-lalo na sa pagsugpo dito sa korapsyon.

"Gusto kong makita sa kulungan ang lahat ng magnanakaw sa gobyerno, na siyang dahilan ng paghihirap ng sambayanang Pilipino.”

LENI ROBREDO

Panghuling naglatag ng mensahe si Vice President Leni na naniniwalang "True leadership is stepping up and showing up, may eleksyon man o wala, kandidato man o hindi."

Dagdag pa niya "Bilang vice president, ipinakita ko ito sa tapat at consistent na serbisyo. Hindi lang sa pangako, kundi sa gawa.

"Madalas akong sinasabihan, ‘Mahina ka, kasi, babae ka.’ Pero ni minsan, wala akong hamon na inatrasan.

"Mapa-Marawi siege man, laban kontra sa droga, mga volcanic eruption, mga lindol, lahat na bagyong dumaan, at COVID.

"Tuwing tayo’y kinakailangan, tayo’y tumitindig, tumutulong, lumalaban.

"Ang inaalok kong uri ng pamamahala, isang gobyernong tapat, mahusay, masipag, at laging maaasahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ka lolokohin, hindi ka nanakawan, hinding-hindi ka iiwan o pababayaan. Handang-handa akong harapin ang hamon ng pagiging pangulo.

"At ngayong 2022, the last man standing will still be a woman."

GORGY RULA

Pinadalhan na kasulatan ang limang lumahok sa Panata sa Bayan: The KBP Presidential Candidates Forum.

Nagtaas sila ng kanang kamay at binasa ang kasulatan, ang kanilang panata na sinaksihan ng sambayanan. Kapagkuwan ay nilagdaan nila ang kasulatan, at ipinakita iyon sa mga manonood.

Sa ganang akin, huwag na nating hanapin ang wala. Dito natin makikita kung ang mananalong kandidato ay malakas ba talaga sa social media.

Dito mapapatunayan ang kapangyarihan ng social media na naging mahalagang venue sa pangangampanya ng mga kandidato.

Nakikita sa Twitter kung sino ang nagti-trending at talagang solid ang suporta ng netizens.

Sa ibang ginagawa pa rin ang tradisyunal na paraan ng pangangampanya, sana ay wala silang nilalabag sa bagong panuntunan ng IATF na dapat sundin ang safety and health protocols.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa katatapos lang na KBP Forum, talagang nag-iingat sila kaya naka-zoom lang ang mga kandidato. Kung may ibang pinagkakaabalahan ang ibang hindi nakadalo, sana ay sinusunod lang nila ang mahigpit na ipinapatupad ng IATF.

NOEL FERRER

Muli, KUNG GUSTO, MAY PARAAN. KUNG AYAW, MAY DAHILAN.

Inayos ni Busy-Presidente Leni ang schedule niya at humiram ng lugar para makibahagi ng forum ngayon.

Sana lang, mas maayos ang kanyang internet signal. Sa kanyang Facebook page, ang sabi ni VP Leni, "Nanghiram kami ng opisina malapit sa airport kung saan puwede kami maki Zoom para maka attend ng KBP Presidential Candidates Forum.

"Nakaschedule sana kaming lumipad ngayong umaga para balikan ang Odette-affected areas, pero pinush back namin ng lunchtime to make time for this event."

leni robredo post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Leody de Guzman, Ping Lacson, Isko Moreno, Manny Pacquiao, at Leni Robredo (L-R) may pitch kung bakit sila deserving maging president.
PHOTO/S: ABS-CBN News YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results