Ang trending issue tungkol sa pagtutol ni Sharon Cuneta sa pag-awit ni senatorial candidate Atty. Salvador Panelo sa kanyang hit song na "Sana’y Wala Nang Wakas" ang posibleng dahilan kaya muling lumitaw sa Facebook ang five-year-old video na kuha ng aktres na si Vivian Velez.
Mapapanood sa video si Panelo habang inaawit ang "Ikaw" sa burol ng cremated remains ng kanyang anak na si Salvador Carlo Panelo III.
Sumakabilang-buhay si Carlo sa edad na 27 noong January 6, 2017 dahil sa karamdaman sa puso.
Coincidentally, noong January 6, 2017 din ang 51st birthday ni Sharon, na siya ring umawit ng "Ikaw."
May Down syndrome si Carlo, at ang "Sana’y Wala Nang Wakas" ang isa sa mga paboritong kanta ni Panelo.
Naglabas ng paliwanag ang senatorial candidate nitong Biyernes ng umaga, March 11, dahil nalaman niyang hindi ikinatuwa ni Sharon ang kanyang pagkanta sa naturang awit sa isang campaign event sa Quezon City.
Aniya, “It’s one of my favorite songs because it reminds me of the great lengths I took to care for my late son, Carlo who had Down Syndrome. I honor him each time I sing the song.
“I also thought I was paying homage to the composer, the late Willy Cruz and of course, to Ms. Sharon Cuneta, by singing it.
"I wasn’t profiting from it, and certainly not trying to get elected by singing it. I was just trying to entertain the people who took time out of their busy lives to see and listen to us.
"I don’t understand what’s so offensive about that."
Tulad ng "Sana’y Wala Nang Wakas," isa sa mga hit song ni Sharon ang "Ikaw," na official soundtrack ng kanyang 1993 movie na Ikaw rin ang pamagat.
Hindi maipagkakailang paborito ni Panelo ang mga kanta ni Sharon kaya nakapagsalita siya ng I’m sorry she feels that way” nang makarating sa kanya ang viral statement ng singer-actress.
Bahagi ng pahayag ni Sharon: “Nanang ko po pls lang nakakahiya naman sa amin ni Willy Cruz! You are not allowed to use our song! Don’t mess with a classic. I allow its use only for Leni-Kiko! LOL. Utang na loob baka bumangon si Willy nakakahiya naman sa amin! Kinilabutan ako. In a bad way. Lol.”