PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Celebrities na may real-life feud, puwedeng sumali sa Family Feud

Dingdong Dantes, muling ihu-host ang Family Feud ngayong may pamilya na siya.
by Jojo Gabinete
Published Mar 14, 2022
dingdong dantes family feud
THEN AND NOW: Left photo shows Dingdong Dantes hosting Family Feud for the first time in 2009, right photo shows the Kapuso actor-host as the game master of the popular game show this 2022.
PHOTO/S: GMA Network

Mga celebrity ang contestant sa bagong season ng Philippine edition ng Family Feud .

Ayon kay GMA-7 Senior Program Manager Enri Tangon-Calaycay, puwedeng sumali sa game show ang mga artistang may real-life feud kung papayag silang makaharap ang isa’t isa.

Magbabalik sa susunod na Lunes, March 21, 2022, ang Family Feud na ihu-host muli ni Dingdong Dantes. Mapapanood ito sa timeslot na nabakante ng Wowowin, ang game at public service program ni Willie Revillame.

Nang tanungin kung may nararamdaman siyang pressure, mabilis ang naging sagot ni Dingdong.

“Siguro naman, kahit saan timeslot kami mailagay, kailangan talaga husayan nang one hundred percent kasi isang blessing na mabigyan ng ganoong klaseng show.

“Isang karangalang mag-host ng isang napakasikat na game show sa buong mundo. So, regardless of timeslot, I think dapat talagang 100 percent talaga yung commitment mo,” saad niya.

Binata pa si Dingdong nang maging game master siya ng Family Feud noong 2009. Ngayong may asawa at mga anak na siya, ang pagkakaiba niya bilang host ng bagong edition ng programa ang itinanong namin sa kanya sa digital media conference na naganap nitong Lunes ng hapon, March 14, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro yung experience,” nakangiting sagot ni Dingdong.

“Yung sa loob ng ten years, ang dami kong mga natutunan and, I think, ang pinakamahalaga ay nagkaroon ako ng pamilya in the last years.

“And as a host, kung ihahambing ko sa isang tahanan, di ba, when you welcome people, the more experienced you are, the better host you can become. Ibig sabihin, mas maaalagaan mo sila.

“Mas alam mo yung puwedeng pag-usapan dahil na-experience mo na ‘yan regardless of age.

"Pero I think masuwerte ako na kahit noong bata-bata ako, siguro mga 29 years old pa lang ako, na-experience ko na rin yun. Pero I think mas okay ngayon.”

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
THEN AND NOW: Left photo shows Dingdong Dantes hosting Family Feud for the first time in 2009, right photo shows the Kapuso actor-host as the game master of the popular game show this 2022.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results