PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sampalan sa awards night, nangyari na sa Pilipinas noong 1991

Hindi na bago sa mga Pinoy ang sampalan sa awards night.
by Jojo Gabinete
Published Mar 28, 2022
rudy fernandez, bert tawa marcelo
Matapos mapanood ang pananampal ni Will Smith kay Chris Rock sa Oscars 2022, nagbalik-tanaw sa ilang showbiz insiders ang nangyaring sampalan sa pagitan nina Rudy Fernandez (left) at Bert "Tawa" Marcelo (right) sa backstage ng isang local awards night.
PHOTO/S: File

Malaking balita sa buong mundo ang pananampal ni Will Smith kay Chris Rock sa 94th Academy Awards.

Hindi nagustuhan ni Will ang biro ng comedian sa kanyang asawang si Jada Pinkett Smith sa insidenteng nangyari sa Dolby Theatre, Los Angeles, California noong Linggo ng gabi, March 27, 2022 (Lunes ng umaga, March 28, sa Pilipinas).

Read: Oscars 2022: CODA wins Best Picture; Best Actor winner Will Smith slaps Chris Rock on live TV

will smith, chris rock

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi bago sa mga Pilipino ang nangyari kina Smith at Rock.

Naging malaking balita sa Philippine showbiz ang pananampal ni Rudy Fernandez sa comedian na si Bert "Tawa" Marcelo sa gabi ng parangal ng 14th Gawad Urian sa main theater ng Cultural Center of the Philippines noong April 1991.

Ang pagkakaiba lang, naganap ang pagsampal ni Rudy kay Bert sa backstage ng CCP kaya hindi ito nakunan ng kamera, samantalang napanood ng libu-libong mga tao ang pananakit ni Smith kay Rock sa live broadcast ng 94th Academy Awards.

Si Bert ang main host ng 14th Gawad Urian. Mga co-host niya sina Vilma Santos, Snooky Serna, at ang misis ni Rudy na si Lorna Tolentino.

Magkatabi sa upuan si Rudy at ang kanyang matalik na kaibigang si Phillip Salvador, na pararangalan bilang isa sa mga pinakamahusay na aktor ng dekada.

Habang commercial break at sa harap ng mga manonood, nagsalita si Bert ng "O, tingnan mo, mga action star ‘yan, sina Phillip at Rudy, mga action star ‘yan pero nagho-holding hands."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi nagustuhan ni Rudy ang biro ni Bert. Pinuntahan niya si Bert sa backstage ng CCP Main Theater, at sinampal ang comedian.

Ang Manunuri ng Pelikulang Pilipino member at ang TV host na si Butch Francisco ang nagbigay ng ibang mga detalye tungkol sa kontrobersiyal na pangyayari na itnuturing bilang isa sa pinakamalaking balita sa Philippine showbiz noong 1991.

Lahad ni Butch, “Pinuntahan siya [Bert] ni Daboy [Rudy] sa backstage at sinabihan ng 'Sa susunod, huwag mo akong lolokohin! Huwag mo akong mabiru-biro nang ganyan!'

"Ang co-host na susunod na isasalang, si Vilma Santos. Papasok pa lang si Vilma, kitang-kita niya ang nangyari kaya paglabas niya sa stage, namumutla siya.

"Nagpatuloy ang show, hindi itinigil dahil hindi naman nangyari sa stage. Yung mga tao lang sa backstage ang naka-witness.”

Ang nasabing insidente ay nagturo ng malaking leksiyon kay Bert dahil mula noon, naging maingat na siya sa pagbibitaw ng mga biro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Butch: "Si Bert, prior to that, nagkaroon na rin siya ng isyu. Nagbiro siya sa isang event, ang biniro niya, asawa ng isang businessman kaya nawalan siya ng endorsement.

"The following year, 1992, pinagpahinga muna namin si Bert bilang host ng Gawad Urian.

"Favorite ko si Bert, madaling kausap. Nag-umpisa siyang host ng Gawad Urian noong 1990 at 1991.

"Pero dahil sa sampalan, ipinahinga muna siya noong 1992. Si Pilita Corrales muna ang kinuha naming host.

"Tapos 1993, balik na uli si Bert na host ng Gawad Urian, pero maingat na siya.

"After a few months, nagkapatawaran na sila ni Daboy.”

Pareho nang namayapa sina Rudy at Bert.

Pumanaw si Rudy noong June 2008, habang si Bert ay noon pang December 1995.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos mapanood ang pananampal ni Will Smith kay Chris Rock sa Oscars 2022, nagbalik-tanaw sa ilang showbiz insiders ang nangyaring sampalan sa pagitan nina Rudy Fernandez (left) at Bert "Tawa" Marcelo (right) sa backstage ng isang local awards night.
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results