Bukas, March 30, 2022, ang 22nd birthday ng sexy actor na si Sean de Guzman.
Isa lang ang kahilingan niya para sa kanyang kaarawan—ang matupad ang pangarap na magkaroon siya ng sariling bahay.
Mula nang sumabak si Sean sa paghuhubad sa mga pelikula, sunud-sunod ang kanyang mga project kaya hindi imposibleng mangyari sa lalong madaling panahon ang pangarap niyang makapagpundar ng bahay.
Para sa buwan ng Abril, isang pelikula at isang original series na pinagbibidahan ni Sean ang mapapanood sa Vivamax—ang Island of Desire at Iskandalo.
Sa April 1 ang streaming ng Island of Desire, at mag-uumpisa naman sa April 10 ang streaming ng Iskandalo.
Memorable kay Sean ang unang araw ng shooting niya para sa Iskandalo dahil nakaramdam siya ng pagod sa mga eksenang ipinagawa sa kanya ng direktor na si Roman Perez Jr.
Kuwento niya, “Day one ng Iskandalo, kagigising ko pa lang, kinakatok na ako ng isang production staff. First scene ako na kukunan then intimate scenes pa.
“Sabi ko, ang ganda ng almusal ko, tapos yung isang buong araw na yun, nakakapagod dahil puro love scenes yung ginawa ko. Nakaka-drain pala, nakakaubos ng lakas.”
Ang rebelasyong ito ni Sean ang isang testimonya na hindi madali ang paghuhubad nila ng kanyang mga co-star sa harap ng kamera, at lalong mahirap ang mga love scene na kanilang ginagawa para makiliti ang imahinasyon ng manonood.
VIDEO SCANDAL
Nang tanungin kung nakaranas na siyang masangkot sa eskandalo tulad ng pamagat ng original series na kanyang pinagbibidahan, parang inamin na rin ni Sean ang katotohanan tungkol sa alleged private video niya na kumalat noong December 2020.
Read: Anak Ng Macho Dancer star Sean de Guzman, itinangging siya ang lalake sa trending video scandal
“Naeskandalo na rin po, pero hindi sex scandal. Hindi ko na pinatulan kasi hindi naman halata na ako yun. Hindi naman kita yung mukha ko… joke lang!” sagot ni Sean na sinundan nito ng malutong na halakhak.
“Sa mga ganyang scandal po na kumakalat, dapat hindi na po pinapatulan kasi, kumbaga, every week, may mga bagong scandal na lumalabas, so natatabunan!” natatawa pa ring dagdag na pahayag ni Sean.
Pero nagbago ang tono ng boses niya sa kanyang sumunod na pananalita: “Seryoso, huwag na lang po sigurong ikalat o bago gawin yung isang bagay, pag-isipan po talagang mabuti kung ano yung kalalabasan kasi ikaw rin ang magsa-suffer.”