GORGY RULA
Mariing itinanggi ng bida ng pelikulang Anak ng Macho Dancer na si Sean de Guzman ang kumalat na video scandal ng nag-trending na si Daddy Blake.
Nakapanayam namin ang baguhang aktor sa DZRH noong Martes, December 1.
Sure na sure daw siyang hindi siya ang nasa video na iyon.
Nakatakip kasi ang mukha at mata lang ang lumalabas, na kahawig ni Sean kung sisipatin mo nang maigi. Pero natitiyak ni Sean na hindi siya ang nasa video nang ikumpara niya ang kanyang ari sa lalaking nasa video.
“Madami nga po ang nagsasabing na parang ano daw na… 'Uy, Sean, ikaw 'to, ah!'
"Sabi ko, ‘Ha?' Ba’t ako ang inaano nila na ako yun?
“Hindi po ako yun. Sinend po nila sa akin yung mga pictures, hindi naman ganito yung ano ko."
Diin pa ni Sean, "Hindi po. Hindi po ako yun."
Inamin ni Sean na mayroon siyang babaeng naka-video chat noong kinse anyos pa lang siya. Pero hindi raw niya masasabing sex video iyon dahil sandali lang kahit nakita ang kahubdan niya.
Hindi raw kumalat yun. Pero tingin daw niya ay na-set up lang siya noon.
Nakahanda raw siyang masangkot sa mga ganitong isyu, na hindi niya itatanggi kung totoo.
Pero sa kumalat na mga sex video nitong Daddy Blake, natitiyak ng binata na hindi siya ang nasa video.
Katatapos lang ni Sean ng shooting ng Anak ng Macho Dancer. Napakasuwerte raw niyang naging bida siya sa isang magandang proyekto, lalo na’t si Joel Lamangan pa ang direktor kasama ang mga dekalibreng co-actors.
Ang dami raw niyang natutunan kina Jaclyn Jose, Jay Manalo, Rosanna Roces, Emilio Garcia, at Allan Paule.
“Ang dami ko po talagang mga mabibigat na eksena kay Sir Allan Paule po. Talagang tumulong po siya sa akin,” pakli ni Sean.
NOEL FERRER
Malaki ang expectation kay Sean bilang siya ang Anak Ng Macho Dancer na finally tapos na.
Kailan ba ito ipapalabas, Tito Jerry?
Pero lubos ding nakakabahala yung kumalat na video ng nag-trending na Daddy Blake. Ito na ba ang bagong flesh trade online?
Oo, dahil sa kahirapan ang karaniwang sagot.
Pero magandang usisain ang pagtatalaban ng teknolohiya sa ganitong uri ng matatawag nating prostitusyon.
JERRY OLEA
Lalabas at lalabas ang totoo.
Sa pelikulang Lockdown ay may eksenang nag-vidjakol si Sean.
Maging sa Anak ng Macho Dancer ay walang kiyeme latik si Sean sa frontal nudity.
Pag ipinalabas na ang Lockdown o Anak ng Macho Dancer, saka tayo mag-compare notes.
Kaya lang, GCQ ang Metro Manila hanggang katapusan ng 2020.
Online classes maging sa UP, kaya malabo pang makapag-premiere ang Anak ng Macho Dancer this December sa UP Film Center ng UP Diliman, Quezon City.
Ang sabi ng producer na si Joed Serrano nang maka-text ko noong isang araw, hopefully ay makapag-premiere sila sa CCP.
Ang Lockdown at Anak ng Macho Dancer ay parehong idinirek ni Joel Lamangan.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
