Tiyak na ang muling pagiging aktibo ni Julio Diaz sa pag-arte dahil sa movie contract na pinirmahan niya sa Viva Films at sa talent management agreement na kanyang nilagdaan sa Viva Artists Agency.
Si Julio ang "pinaka-senior" sa mga bagong contract star ng Viva Artists Agency dahil pumirma siya ng kontrata sa edad na 63.
Nawalan ng direksiyon ang acting career ni Julio nang masangkot ito sa mga kontrobersya, pero nabigyan siya ng pangalawang pagkakataon matapos makalabas mula sa bilangguan noong nakaraang taon.
Read: Julio Diaz, kumpirmadong nakalaya na; kasama sa pelikula ni Coco Martin
Ang mga pelikulang Kaliwaan, Virgin Forest, Pusoy, at ang Vivamax original series na Iskandalo ang mga proyekto ngayon ni Julio.
Ang direktor na si Roman Perez Jr. ang nagsabi sa Cabinet Files na hindi pa rin kumukupas ang husay ni Julio sa pag-arte. At napatunayan niya ito nang magsama sila sa Iskandalo.
Dati nang nagbibida si Julio sa mga pelikula ng Viva Films, sa Ang Kung Kasalanan Man, Paano Tatakasan ang Bukas?, Kolehiyala, at The Flor Contemplacion Story kaya parang homecoming ang pagbabalik niya sa kanyang former mother studio.
Ang U.S.-based sister ni Julio na si Ana Marie Regaliza-Datuin ang isa sa mga natutuwa sa magagandang nangyayari ngayon sa buhay at acting career ng nagbabalik-pelikula na aktor.
"I’m really happy that he’s being given a second chance in both his career and in life. Not everybody gets to have one.
"I’m pretty sure he’ll bring in a much deeper level of depth into his acting coming from all the experiences he had been through—both the good and the bad.
"He believes in God so I’m confident he’s in good hands. He is protected," pahayag ni Ana Marie sa Cabinet Files tungkol sa bagong pagkakataon at mga biyayang natatanggap ngayon ng kanyang kapatid.