PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sheree declines to identify the body of late singer Keith Martin

Mga kaibigan ni Keith Martin, planong ilabas ang unreleased songs ng yumaing singer.
by Jojo Gabinete
Published Mar 31, 2022
keith martin sheree bautista
Sheree Bautista on late friend Keith Martin: "Hindi alam ng lahat na nandito si Keith sa Pilipinas kaya hindi siya nabigyan ng mga opportunity so nag-focus siya sa sa pagtulong sa ibang mga artist. He was working hard para makatulong sa iba. Hindi siya nabigyan ng enough opportunity, specifically sa television."
PHOTO/S: Courtesy of Sheree Bautista

Hindi mawala sa isip ni Sheree Bautista nang matanggap niya noong March 25, 2022 ang malungkot na balitang natagpuang walang buhay ang kanyang kaibigan, ang American singer na si Keith Martin, sa condominium unit na nirerentahan nito sa Quezon City.

Read: "Because of You" singer Keith Martin found dead in Quezon City condo

Bukod sa matalik na magkaibigan, magkatapat lamang ang condominium building na tinitirhan nina Sheree at Keith kaya madalas na kinakawayan nila ang isa’t isa sa tuwing nagkakataong nagkikita sila sa veranda ng kanilang mga unit.

Nang araw na matuklasan ang bangkay ni Keith, si Sheree ang isa sa mga tinawagan ng mga imbestigador para kilalanin ang nasawi. Pero hindi kinaya ng kalooban ng actress-singer na makita sa ganoong sitwasyon ang kaibigan niya.

“Hindi ko makakaya na makita siya na ganoon ang ending niya, hindi kaya ng puso ko,” malungkot na pahayag ni Sheree sa pakikipag-usap sa kanya ng Cabinet Files ngayong Huwebes, March 31.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sinabi ko sa kanila na i-update na lang nila ako. Nasa labas lang ako ng condominium building na tinitirhan ni Keith.

“Nakatingin lang ako ako habang inilalabas ang body niya and I was praying for him.”

KEITH'S UNRELEASED SONGS

Isa sa mga ikinalulungkot ni Sheree ay ang katotohanang hindi nabigyan ng pagkakataon si Keith na makabalik sa Philippine music industry. Iilan lamang ang nakakaalam na permanente nang naninirahan sa Pilipinas ang singer na nagpasikat sa kantang “Because of You.”

Ani Sheree, “Wish ko talaga na kahit papaano, nabigyan si Keith ng comeback noong buhay pa siya. I can only do so much for him as a friend and someone na he consider as a sister sa Pilipinas.

“Hindi alam ng lahat na nandito si Keith sa Pilipinas kaya hindi siya nabigyan ng mga opportunity so nag-focus siya sa sa pagtulong sa ibang mga artist.

"He was working hard para makatulong sa iba. Hindi siya nabigyan ng enough opportunity, specifically sa television.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sobrang dami ng mga natulungan ni Keith na mga artist—from newbies to mga sikat—kaya nanghihinayang ako sa pagkawala niya. Napakabuting tao ni Keith.”

Dahil likas na malapit sila sa isa’t isa, alam ni Sheree ang plano ni Keith na i-release sa Spotify ang bagong single na may pamagat na "Starting Over," pero hindi nangyari nang bawian ng buhay ang 57-year-old singer.

Malaki ang posibilidad na matuloy ang Spotify release ng "Starting Over" dahil ito ang plano ni Sheree at ng ibang mga kaibigan ni Keith.

“Iyan ang pinag-uusapan namin ng grupo, ang ilabas ang 'Starting Over' at ang lahat ng mga kantang isinulat niya para sa ibang mga artist, pati ang mga hindi na-release na song, bilang tribute sa kanya at tulong para sa mga anak na naulila niya.

“Alam ko kasi na yun ang gustung-gusto ni Keith, ang maging good father siya at makapag-provide para sa kanyang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, ang focus ngayon ng lahat ng friends namin, ang makatulong sa mga naiwan niya, especially his sons. Alam namin kung gaano niya kamahal ang kanyang mga anak,” ani Sheree.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sheree Bautista on late friend Keith Martin: "Hindi alam ng lahat na nandito si Keith sa Pilipinas kaya hindi siya nabigyan ng mga opportunity so nag-focus siya sa sa pagtulong sa ibang mga artist. He was working hard para makatulong sa iba. Hindi siya nabigyan ng enough opportunity, specifically sa television."
PHOTO/S: Courtesy of Sheree Bautista
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results