Watch Now

Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu, nagsalita tungkol sa bashing dahil sa kanyang pagtaba

by Jojo Gabinete
Apr 2, 2022
harnaaz sandhu
Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu: “I’m one of those individuals who was first bullied that ‘she’s too skinny’ and now they bully me saying ‘she’s fat.’ Nobody knows about my Celiac disease. That I can’t eat wheat flour and many other things.”
PHOTO/S: Miss Universe Organization Instagram

Mapalad si Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu ng India dahil hindi na si former U.S. President Donald Trump ang may-ari ng Miss Universe Organization nang manalo siya.

Hindi naranasan ni Harnaaz ang nangyari kay Alicia Machado ng Venezuela nang magwagi itong Miss Universe noong 1996.

Naging biktima ng body shaming si Alicia dahil tinawag siya ni Trump na "Miss Piggy" nang tumaba siya ilang buwan matapos koronahan bilang Miss Universe noong 1996.

alicia machado

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Miss Universe 1996 Alicia Machado

Traumatic experience din para kay Alicia ang pag-iimbita ni Trump ng mga miyembro ng news media habang nag-eehersisyo siya para mabawasan ang timbang niya.

Hindi makalimutan ni Alicia ang sinabi ni Trump sa mga reporter tungkol sa kanya: “This is somebody who likes to eat.”

Ayon kay Alicia, nagkaroon siya ng eating disorders na bulimia at anorexia, pati psychological trauma, dahil sa panghihiya sa kanya ni Trump.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaya ni Alicia, nadagdagan din ang timbang ni Harnaaz ilang buwan matapos siyang magwagi bilang Miss Universe sa Eilat, Israel, noong December 13, 2021.

Mabilis na napansin ng publiko ang kanyang pagtaba.

Kahapon, April 1, 2022, may special participation si Harnaaz sa Lakme Fashion Week na ginanap sa Mumbai, India.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito niya ipinagtapat na tumaba siya dahil sa Celiac disease, isang immune disorder na epekto ng mga pagkaing may mataas na gluten.

“I’m one of those individuals who was first bullied that ‘she’s too skinny’ and now they bully me saying ‘she’s fat.’

“Nobody knows about my Celiac disease. That I can’t eat wheat flour and many other things,” rebelasyon ni Haznaar tungkol sa dahilan ng kanyang pagtaba.

Sa kabila ng mga batikos ng netizens tungkol sa paglobo ng kanyang katawan, masuwerte si Harnaaz dahil suportado siya ng Miss Universe Organization na hindi nakakalimot sa pagpapaalaala sa lahat sa tuwing may mga social media post silang may kinalaman sa reigning Miss Universe.

Paalala nila: “The Miss Universe Organization does not tolerate bullying of any kind.

We are a community built to champion, encourage and uplift one another. There is no room for hate here.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu: “I’m one of those individuals who was first bullied that ‘she’s too skinny’ and now they bully me saying ‘she’s fat.’ Nobody knows about my Celiac disease. That I can’t eat wheat flour and many other things.”
PHOTO/S: Miss Universe Organization Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results