Watch Now

Zanjoe Marudo, hindi naging isyu ang nakaraan nila ni Bela Padilla para tanggapin ang 366

by Jojo Gabinete
Apr 2, 2022
zanjoe marudo bela padilla
Zanjoe Marudo on Bela Padilla as co-star and director: “Nakaka-amaze siyang panoorin. Sinabayan pa na siya yung direktor so nakakabilib talaga... Magaan siyang katrabaho, alam niya kung ano ang gusto niya, alam niya kung ano yung kailangan niya.”
PHOTO/S: Instagram

Na-link sina Zanjoe Marudo at Bela Padilla sa isa’t isa nang magtambal sila sa ABS-CBN drama series na Dear Heart noong 2017, pero hindi nangyari ang inaasahang pagkakaroon nila ng relasyon.

Read: Are Zanjoe Marudo and Bela Padilla in a relationship?

Makalipas ang apat na taon, natanggap ni Zanjoe ang alok bilang leading man ni Bela sa 366, na movie directorial debut din ng 30-year-old actress.

Hindi naging dahilan ang isyu noon tungkol sa kanilang dalawa para hindi tanggapin ni Zanjoe ang project dahil nagustuhan niya ang script ng pelikula na si Bela rin ang sumulat.

“First time naming nag-work sa isang pelikula, at hindi ko palalampasin yun kapag nabigyan ako ng ganitong klase opportunity para lang hindi tanggapin dahil may isyu ka, na wala naman akong na-feel nung in-offer sa akin yung project.

“Excited agad ako na makipag-usap kay Bela about sa story and character.

"Ang una ko ngang reaksiyon, 'Puwedeng ako na lang yung character ni JC [Santos]?' Pero hindi raw puwede,” paglilinaw ni Zanjoe sa naganap na digital presscon ng 366 noong Biyernes, April 1, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilib na bilib si Zanjoe kay Bela dahil alam nito ang mga dapat gawin kahit unang pelikula niya ang 366 bilang direktor.

Pinuri ni Zanjoe ang karakter ni Bela bilang aktres at direktor, pati na ang pagkakaroon nito ng paninindigan.

Saad ng Kapamilya actor, “Nakaka-amaze siyang panoorin. Sinabayan pa na siya yung direktor so nakakabilib talaga.

“Kapag makikita mo yung set namin, walang sumisigaw. Napakakalmado. Tahimik ang lahat.

“Ang sarap nung parang belong ka sa group na puro artists na ang tatalino, creative. Nakakatuwa na naging part ako nitong first film ni Bela.

“Magaan siyang katrabaho, alam niya kung ano ang gusto niya, alam niya kung ano yung kailangan niya.

“Nakakatuwa na may paninindigan siya sa paggawa ng pelikula.”

Nang tanungin kung may plano rin ba siyang maging direktor balang-araw, nagsalita si Zanjoe na kailangan niya ng tapang na taglay ni Bela.

“Siguro ang kailangan kong makuha kay Bela, yung tapang na magsimula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Minsan parang nandoon yung gusto mo na, pero takot ka pa kasi takot kang magsimula.

“Nakita ko kay Bela, yun ang wala sa kanya, yung takot. Yung takot na baka mag-fail or hindi magustuhan.

"Pero sa ngayon, gusto kong mag-focus, gumawa ng mga project na hindi ko pa nagagawa as an actor," sabi ni Zanjoe.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zanjoe Marudo on Bela Padilla as co-star and director: “Nakaka-amaze siyang panoorin. Sinabayan pa na siya yung direktor so nakakabilib talaga... Magaan siyang katrabaho, alam niya kung ano ang gusto niya, alam niya kung ano yung kailangan niya.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results