Watch Now

Ana Jalandoni, nawalan ng kumpiyansa sa sarili dahil sa dinanas kay Kit Thompson

by Jojo Gabinete
Apr 3, 2022
ana jalandoni
Ana Jalandoni: “Wala na akong confidence sa sarili ko... Napapangitan ako sa sarili ko. Kapag tumitingin ako sa salamin, nakikita ko yung nangyari. Parang nawala yung Ana… Ana na masayahin... friendly. Nawala yung kasiglahan ko...nawala."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

TRIGGER WARNING: VIOLENCE

Tatlong beses nang nagsalita si Ana Jalandoni tungkol sa masakit na karanasan nito mula sa kamay ng kanyang estranged boyfriend na si Kit Thompson.

Una, sa press conference na ipinatawag ng kampo niya noong March 28, 2022.

Pangalawa, sa panayam sa kanya ng mag-asawang Julius Babao at Tintin Bersola.

Pangatlo, sa two-part interview Boy Abunda na napanood nitong Sabado ng gabi, April 2, at ngayong Linggo ng gabi, April 3, sa The Interviewer ng The Boy Abunda Talk channel sa YouTube.

Hopefully, ang interbyu ni Boy kay Ana ang pinakahuli dahil mabigat sa dibdib na panoorin siya habang lumuluha at ikinukuwento ang “near-death” experience niya noong March 17 at March 18 sa Amega Hotel, Tagaytay City.

Sa tuwing binabalikan at nagsasalita si Ana tungkol sa detalyadong kuwento ng pambubugbog sa kanya ni Kit, paulit-ulit din niyang sinasaktan ang sarili.

Mararamdaman ng mga nakapanood sa panayam ni Boy kay Ana ang hirap na pinagdaraanan nito, lalo na nang humahagulgol ng iyak na sinabi niyang nawala ang kanyang kumpiyansa sa sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala na akong confidence sa sarili ko. Promise, Tito Boy, nawala. Napapangitan ako sa sarili ko.

“Kapag tumitingin ako sa salamin, nakikita ko yung nangyari. Parang nawala yung Ana…

"Ana na masayahin... friendly. Nawala yung kasiglahan ko...nawala," parang bata na nagsusumbong at umiiyak na sabi ni Ana.

Sa live chat ng mga nanood sa ikalawang bahagi ng panayam ni Boy kay Ana, marami ang nagkomentong kailangan ni Kit ng professional help dahil sa kanyang violent behavior base sa mga isinalaysay ni Ana.

IS ANA A VICTIM OF BATTERED WOMAN SYNDROME?

Pero nakalimutan nilang sabihin na kailangan din ng sexy actress ng professional help para maghilom ang malalim na sugat na nilikha ng nangyari at para makaiwas siya sa Battered Woman Syndrome, isang malubhang kondisyon sa kalusugan ng isip na resulta ng domestic abuse mula sa kamay ng mga karelasyon.

Isang halimbawa ang sinabi ni Ana kay Boy na mahal pa rin ng sexy star ang 25-year-old actor sa kabila ng matinding pananakit nito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Ana: "Nung kinuha na siya ng mga pulis, pinoposasan na siya, nakatingin lang ako sa kanya.

"Tapos nakatingin lang siya sa akin, umiiyak siya. Parang gusto ko siyang habulin kasi mahal ko.

"Pero sinaktan niya ako, ang hirap. Gusto ko siyang yakapin na parang ayoko siyang isama [ng mga pulis] na parang gusto ko.

"Nahihirapan ako nung time na yun, pero ang iniisip ko, sarili ko."

Sunod na tanong ni Boy: "If your phone rings now at si Kit yun, kakausapin mo?"

Sagot ni Ana: “ Siguro… Lahat ng sakit na ginawa niya sa akin, sasabihin ko sa kanya.”

Kailangan ni Ana ng mga dasal at moral support para maging matatag siya sa kanyang desisyong hindi na makikipagbalikan kay Kitb, kahit balak niyang patawarin ito sa tamang panahon.

Aniya, “In time, yes, pero hindi makikipagbalikan. Hindi ko alam kung magbabago siya.

“Kahit masakit yung ginawa niya sa akin, pero naiintindihan ko pa rin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko alam kung bakit. Mahal ko pa rin siya, Tito Boy.

"Hindi ko deserve yung ginawa niya sa akin."

Diin pa niya, "Buo ang loob, kailangan pagbayaran niya yung ginawa niya sa akin. Hindi makatao, e.

Binanggit din ni Ana na humingi si Kit ng paumanhin sa kanya sa pamamagitan ng private message sa Instagram, pero hindi niya sinagot.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ana Jalandoni: “Wala na akong confidence sa sarili ko... Napapangitan ako sa sarili ko. Kapag tumitingin ako sa salamin, nakikita ko yung nangyari. Parang nawala yung Ana… Ana na masayahin... friendly. Nawala yung kasiglahan ko...nawala."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results