Watch Now

Mowelfund, patuloy sa pagtulong sa movie industry workers

by Jojo Gabinete
Apr 5, 2022
Mowelfund
Mowelfund President Rez Cortez (in main photo and rightmost in front row inset) kasama sina Boots Anson Rodrigo (leftmost front row inset), Dingdong Dantes (center front row inset), at Gina Alajar (sixth to the right in back row inset) sa 48th anniversary gathering ng Mowelfund.

Ipinagdiwang ng mga opisyal at miyembro ng Movie Workers Welfare Foundation Inc. (Mowelfund) ang 48th anniversary ng kanilang samahan noong March 25, 2022.

Sa naturang pagtitipon, ibinalita ng mga namamahala sa Mowelfund ang mga proyekto na kanilang ginawa, sa kabila ng matinding banta ng coronavirus pandemic.

Ipinagpatuloy ng Mowelfund ang tungkulin na magbigay ng mga benepisyo sa edukasyon, kalusugan, at iba pang kapakanan ng kanilang mga miyembro at beneficiaries.

READ: MMDA, MMFF, Mowelfund pinangunahan ang vaccination program para sa mga taga-movie industry

Nang magdeklara ng lockdown sa Luzon noong March 2020, naghatid ng ayuda ang Mowelfund sa tahanan ng mga miyembro nila.

Nang magluwag sa mga protocol laban sa COVID-19, nagkaroon ng maliit na pagtitipon ang Mowelfund para sa mga miyembro na maaaring lumabas mula sa mga tahanan nila para personal na tanggapin ang financial help at grocery items.

Nagdaos naman ang Mowelfund Film Institute ng iba’t ibang mga webinar at online master classes sa pag-arte na pinangunahan ni Leo Martinez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagturo rin ng directing si Joey Reyes, scriptwriting si Ricky Lee, at cinematography si Raymond Red.

Ibinalita ng Mowelfund officials na tagumpay ang joint realty project nila, kasama ang developer na si Victor Consunji. Inilipat na ang opisina ng Mowelfund sa isang gusali at kinukumpleto na lamang ang finishing touches, interior design, at furnishing.

Nailagay na sa bagong Mowelfund building ang mga kagamitan, technical provisions, at amenities para sa mga classroom, production facilities, at state-of the-art 54-seat theater.

Nakumpleto na rin ng Mowelfund Board, Execom, at staff ang tatlong araw na strategic planning at team building noong nakaraang February 2022.

Sa ginanap na 48th anniversary, muling pinasalamatan ng mga opisyal at miyembro ng Mowelfund si former President Joseph Estrada dahil sa pagtatatag nito ng organisasyon na tumutulong sa marginalized movie industry workers.

Itinatag ni Estrada ang Mowelfund noong March 7, 1974.

Board of Directors ng Mowelfund sina Chairman Boots Anson Rodrigo, Vice- Chairman Gina Alajar, Direk Edgardo “Boy” Vinarao, CMB head Jim Baltazar, Foundation President at COO Rez Cortez, at Vice President at COO Julius Topacio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Executive Committee na pinamumunuan nina Cortez at Topacio—kasama sina Administration and Finance Director Emma Mon Alon, Welfare Director Joey Roa, at Education Director Ricky Orellana—ang nagpapatakbo sa araw-araw na operasyon ng nabanggit na samahan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mowelfund President Rez Cortez (in main photo and rightmost in front row inset) kasama sina Boots Anson Rodrigo (leftmost front row inset), Dingdong Dantes (center front row inset), at Gina Alajar (sixth to the right in back row inset) sa 48th anniversary gathering ng Mowelfund.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results