Watch Now

Ai-Ai delas Alas, hiling na hudyat ang GMA-7-ABS-CBN partnership para mawala ang network war

by Jojo Gabinete
Apr 5, 2022
Ai-Ai delas Alas
Ai-Ai delas Alas on agreement between execs of GMA-7 and ABS-CBN: "Sana maging simula na ito para mawala na ang network war kasi noong araw naman, lahat ng mga artista, nakakatawid sa lahat ng mga television station hanggang magkaroon nga ng network war."
PHOTO/S: @msaiaidelasalas Instagram / 24 Oras

Ikinagalak ni Ai-Ai Delas Alas ang naganap na kasunduan sa pagitan ng ABS-CBN Corporation at ng GMA Network Inc. para sa pagpapalabas ng mga pelikula ng Star Cinema sa Kapuso Network na magsisimula ngayong Abril.

READ: GMA-7 inks deal with ABS-CBN; to air Star Cinema movies

Lalong natuwa ang Comedy Queen nang malaman nito na ang kanyang 2007 blockbuster movie na Ang Cute ng Ina Mo ang isa sa mga pelikula ng Star Cinema na mapapanood sa GMA-7.

"Masaya ako sa partnership ng GMA-7 at ng ABS-CBN dahil mapapanood na sa Kapuso channel ang mga pelikula ng Star Cinema.

"Masaya rin ako dahil may chance na ang mga Kapuso na mapanood ang mga pelikula ko noon," ang sabi ni Ai-Ai na nagbida noon sa Tanging Ina franchise na isa mga money maker ng Star Cinema.

Eksklusibong nakapanayam ng Cabinet Files si Ai-Ai Martes ng gabi, March 5, 2022.

"Marami ang mga hindi magagandang nangyari sa panahon ng pandemya pero marami rin ang magagandang naganap tulad nga ng pagsasanib-puwersa ng Kapuso Network at Kapamilya Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sana maging simula na ito para mawala na ang network war kasi noong araw naman, lahat ng mga artista, nakakatawid sa lahat ng mga television station hanggang magkaroon nga ng network war.

"Yung nangyari ngayon ay maganda at positive sign para sa television industry," ang dagdag na pahayag ni Ai-Ai.

Nagsimula ang television career ni Ai-Ai sa GMA 7 mula 1990 to 2000. Pero noong 2000, kinuha ng ABS-CBN ang kanyang serbisyo at pinapirma siya ng exclusive contract.

Pumirma rin si Ai-Ai ng kontrata sa Star Cinema, at noong 2003, gumawa ng kasaysayan sa box-office ang Ang Tanging Ina, isa sa mga blockbuster movie ng film company ng ABS-CBN Corporation.

Mula noon, nagkasunud-sunod na ang mga hit movie ni Ai-Ai sa Star Cinema.

Makalipas ang labing-apat na taon, mainit na tinanggap ng GMA-7 ang pagbabalik ni Ai-Ai sa Kapuso Network noong April 16, 2015.

Ngayong Abril 2022, ipagdiriwang ni Ai-Ai ang ika-pitong taon ng kanyang anibersaryo bilang Kapuso sa pamamagitan ng Raising Mamay, ang afternoon drama series na pinagbibidahan niya at mapapanood sa telebisyon simula sa Abril 25.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Raising Mamay

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on agreement between execs of GMA-7 and ABS-CBN: "Sana maging simula na ito para mawala na ang network war kasi noong araw naman, lahat ng mga artista, nakakatawid sa lahat ng mga television station hanggang magkaroon nga ng network war."
PHOTO/S: @msaiaidelasalas Instagram / 24 Oras
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results