Watch Now

Aktor, isinakripisyo ang sarili matapos mahuling nakikipag-inuman sa co-stars sa lock-in taping

by Jojo Gabinete
Apr 6, 2022
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

May ibang bersiyon ang kuwento tungkol sa aktor na pinauwi dahil nahuli siyang umiinom ng alak sa lock-in taping ng isang television show.

Read: Tatlong milagro sa lock-in tapings: inuman sa set, lipat-kuwarto, nawawalang cellphone

Isang taong nagmamalasakit sa aktor ang nagkuwento na inako ng aktor ang kasalanan para hindi madamay ang ibang mga artistang may partisipasyon sa pag-inom ng alak sa lock-in taping nila.

Pinili umano ng aktor na isakripisyo ang sarili dahil tiyak na maaapektuhan ang trabaho ng lahat kung pauuwiin ang ibang mga aktor na mas kilala kesa sa kanya, importante sa kuwento ng teleserye ang mga karakter na ginagampanan pero pasimuno sa naganap na inuman.

Awang-awa ang Cabinet Files source sa aktor dahil may pamilya itong binubuhay at hindi naman malaki ang talent fee na natatanggap niya.

Aral (kung may konsensiya man sila) para sa lahat ng mga artistang lumabag sa batas na ipinatutupad ng network management ang ginawa nila dahil nawalan ng trabaho ang kapwa aktor na mahusay makisama at nagsalba sa kanilang kasalanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pag-inom ng alak, paggamit ng illegal drugs, pakikipag-away, paglabas mula sa lock-in taping, at pagsalisi sa kuwarto ng kanilang mga co-actor ang ilan sa mga ipinagbabawal ng mga TV network management para sa kaligtasan ng lahat laban sa coronavirus at upang maiwasan ang mga eskandalo at kontrobersiya.

Pero may mga taong likas na matitigas ang ulo.

Noong nakaraang taon, ang direktor at ilang miyembro ng production staff ng isang TV series ang pinauwi dahil nahuli silang lumabas mula sa bubble para kumain sa restaurant.

Caught in the act ang grupo dahil nag-post sila sa social media ng kanilang mga litrato habang nagsasalu-salo sa pagkain, kaya hindi nila maitanggi ang kanilang pagsuway sa mga batas na mahigpit na ipinatutupad ng network management.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results