Watch Now

Nova Villa, ipinaubaya na sa Diyos ang kapalaran nang magka-COVID noong 2021

by Jojo Gabinete
Apr 13, 2022
nova villa covid-19
Nova Villa on her mission to make people laugh: "I’m doing my best kung paano ko sila mapapasaya para makalimutan nila kahit sandali man lang yung mga sakit nila at nagawa ko. That is why I realized na my ambition to be a good actress became a mission."
PHOTO/S: Nova Villa Facebook

Kabilang ang veteran actress na si Nova Villa sa cast ng pelikulang pinagbibidahan ni Arjo Atayde, na nag-shooting sa Baguio City noong August 2021, na tinamaan ng Delta variant ng COVID-19 kaya na-confine siya sa ospital.

Read: Baguio Mayor Benjamin Magalong on Arjo Atayde: "Bigla siya umalis kahapon without our knowledge."

Nasa hukay na ang isang paa niya ang pagsasalarawan ni Nova sa kalagayan nito noon dahil bukod sa matinding variant ng COVID-19 ang dumapo sa kanya, nagkaroon din siya ng pneumonia.

Ipinagdiriwang ni Nova ang kanyang ika-76 na kaarawan ngayong Miyerkules, April 13, 2022.

Ang pagkakaligtas niya mula sa COVID-19 ang isa sa kanyang ipinagpapasalamat sa Panginoong Diyos.

“Nagpapasalamat akong mabuti, unang-una sa Panginoon, sa lahat ng mga biyaya, grasya…” sabi ni Nova sa digital media conference ng False Positive ng GMA-7 na naganap ngayong hapon.

Likas na madalasin ang beteranang aktres, at dalawang beses siyang nagsisimba sa isang araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagawa pa niyang magbiro noong may COVID-19 siya dahil ipinaubaya niya sa Diyos ang kanyang kapalaran.

“Talagang Siya lang, Siya lang ang nagbigay nitong lahat at ganoon din, sa lahat ng creative writers dahil naisip niyo ako [para sa role niya sa False Positive].

“Thank you so much because I really did enjoy my role so much. Ang ganda ng role ko. I hope na nagampanan ko naman nang mabuti,” pahayag ng veteran actress.

Nagpapasalamat din siya sa GMA-7 management dahil sa pagkakataong ipinagkaloob sa kanya para makapagpasaya sa pamamagitan ng karakter niya sa upcoming romantic-comedy series na pinagbibidahan nina Xian Lim at Glaiza de Castro.

“Yun naman po talaga ang hangad ko noong araw pa, yung mga nanonood sa akin, gustung-gusto ko silang mapasaya.

“That is why when I had my radio program at Radio Veritas, alam ko na tumatawag yung listeners.

"Sabi nila, and also yung may mga edad na nanonood ng mga pelikula ko, ‘Alam mo, Nova, nakakalimutan ko yung sakit ko kapag napapanood kita.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Itong ating mga lola, mga nanay, may mga nararamdaman na.

"Totoo naman yun na kapag tumawa ka nang tumawa at naka-concentrate ka sa pinapanood mo, ang totoo, hindi mo nare-realize masakit yung rayuma mo.

“Alam ko yun, that is why I’m doing my best kung paano ko sila mapapasaya para makalimutan nila kahit sandali man lang yung mga sakit nila at nagawa ko.

That is why I realized na my ambition to be a good actress became a mission,” saad niya.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nova Villa on her mission to make people laugh: "I’m doing my best kung paano ko sila mapapasaya para makalimutan nila kahit sandali man lang yung mga sakit nila at nagawa ko. That is why I realized na my ambition to be a good actress became a mission."
PHOTO/S: Nova Villa Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results