Watch Now

Bunny Paras, wala umanong tulong na nakukuha mula kay Mo Twister para sa kanilang anak na si Moira; malaki ang pasasalamat sa mister

by Jojo Gabinete
Apr 20, 2022
bunny paras daughter husband
Bunny Paras is grateful to husband Tom Greenway (right) for taking care of her daughter, Moira: "My husband does everything for Moira. Tom is a great dad, wala akong masabi. Okay nang si Tom is Moira’s dad. What matters is what Tom does for Moira. Kahit napakahirap ng pagdaraanan pa ni Moira sa future, I know I have Tom by our side."
PHOTO/S: Courtesy of Bunny Paras

Nagbigay ng inspirasyon sa maraming tao ang kuwento ng buhay ni Moira Francesca Greenway, ang 23-year-old daughter ng former actress na si Bunny Paras sa dating karelasyon nito, ang dating TV host at DJ na si Mohan Gumatay aka DJ Mo Twister.

Hindi na nakakalakad si Moira mula noong 17 years old ito dahil sa kanyang karamdaman, ang Friedreich Ataxia, pero lumalaban siya sa mga pagsubok na kinakaharap niya.

Normal na namumuhay si Moira at nagtatrabaho sa isang hotel sa Disney World Florida bilang front desk officer.

moira greenway

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pagkakaroon niya ng Friedrich Ataxia ang dahilan kaya gumagamit si Moira ng wheelchair dahil hindi na siya nakakalakad mula nang mawalan ng pakiramdam ang kanyang mga binti.

Read: Bunny Paras so proud of daughter Moira for rising above her disability

Si Bunny ang nagkuwento sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) tungkol sa kasalukuyang pamumuhay ng kanyang panganay na anak, na puring-puri niya ang kabutihan at katapangan.

Thirteen years old si Bunny nang mag-umpisa ang kanyang acting career.

Tinalikuran niya ang showbiz noong 20 years old siya para mamuhay sa Amerika dahil nagbunga ang pagmamahalan nila ni DJ Mo. Pero ayon kay Bunny, hindi pinanagutan ng host-DJ ang mga responsibilidad nito bilang ama.

Happily married na ngayon si Bunny kay Tom Greenway.

Bukod kay Moira, mayroon na silang tatlong anak—sina Connor, 11; Ariana, 8; at Cody, 4.

bunny paras family

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapalad na mapalad ang pakiramdam ni Bunny dahil tunay na anak ang trato ni Tom kay Moira.

Si Tom ang naging masigasig noon kaya nalaman nila ni Bunny ang totoong karamdaman ni Moira. Siya rin ang nagpagamot at nagpaaral kay Moira hanggang makatapos ito ng college noong December 2021.

BUNNY ON MO TWISTER

Nang ilabas ng PEP.ph ang life story ni Moira noong Holy Week, marami ang nagtanong sa naging partisipasyon ni DJ Mo sa pagpapalaki sa love child nila ni Bunny kaya ito ang inalam ng Cabinet Files mula sa dating aktres.

Ayon kay Bunny, “Only his mom is in touch most of the time with my daughter.

“Grandma Josie loves Moira, and I appreciate the care and love she gives to Moira.

“Sadly, Mo doesn’t do anything to help out or reach out [to] Moira. Mabibilang lang yung times na may nagawa siya to be there for Moira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi na ako umaasa pa."

Dagdag niya, "Pagdating sa ex ko, I gave up na umasa ng pagbabago or kahit bigyan lang niya ng panahon ang kanyang anak kaya okay na kami without him. Sanay na kami.

“To add lang, yung mga kapatid niya [Mo], mabait kay Moira. I feel their care for her and I thank them for that."

BUNNY GRATEFUL TO HUSBAND TOM

Lubos naman ang pasasalamat ni Bunny kay Tom dahil sa pagiging responsable at mapagmahal nitong asawa at ama.

Saad ng dating aktres, “My husband does everything for Moira. Tom is a great dad, wala akong masabi.

“Okay nang si Tom is Moira’s dad. What matters is what Tom does for Moira.

"Kahit napakahirap ng pagdaraanan pa ni Moira sa future, I know I have Tom by our side."

Matagal na magtatrabaho sa Disney World Florida si Moira at habang wala ito sa tahanan nila sa Los Angeles, nagpagawa si Tom ng handicapped room para hindi na siya mahirapan sa pagkilos kung sakaling maisipan na nitong umuwi sa piling ng kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

tom greenway, moira greenway

“Iba ang nagagawa ng fatherly love ni Tom kay Moira. Nagpapasalamat ako kay God na binigyan niya ako ng asawa na maalaga at mapagmahal,” sabi ni Bunny.

Bukas ang PEP.ph sa panig ni Mo Twister kaugnay ng mga naging pahayag ni Bunny Paras tungkol sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bunny Paras is grateful to husband Tom Greenway (right) for taking care of her daughter, Moira: "My husband does everything for Moira. Tom is a great dad, wala akong masabi. Okay nang si Tom is Moira’s dad. What matters is what Tom does for Moira. Kahit napakahirap ng pagdaraanan pa ni Moira sa future, I know I have Tom by our side."
PHOTO/S: Courtesy of Bunny Paras
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results