Watch Now

Herlene Budol, nag-transform sa litrato niya para sa Binibining Pilipinas 2022

by Jojo Gabinete
Apr 21, 2022
herlene budol
Herlene "Hipon Girl" Budol nagbago ang hitsura sa application photos niya para sa Binibining Pilipinas 2022.

Maikukumpara sa mga shampoo commercial na may tagline na “Gandang hindi inakala” at “Nakapag-asawa ng mayaman?” ang transformation ng comedienne na si Herlene “Hipon Girl” Budol.

Malaki ang ipinagbago ng physical appearance ni Herlene dahil sa makeover na ginawa ng mga mentor niya na nag-udyok sa kanyang subukan ang kapalaran sa Binibining Pilipinas 2022.

Read: Herlene Budol on her Bb. Pilipinas application: “Masaya na may halong kabado.”

Hindi agad makikilala si Herlene sa headshot photo na inilabas nito sa social media accounts niya dahil sa kanyang kakaibang kagandahan at umaapaw na kumpiyansa sa sarili.

Hindi "photoshopped" ang headshot picture ni Herlene dahil ganito rin ang hitsura niya sa group photo nila ng kanyang mga mentor na sina Wilbert Tolentino at Rodgil Flores ng Kagandahang Flores camp.

herlene budol, wilbert tolentino, rodgil flores

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Herlene Budol with Wilbert Tolentino (left) and Rodgil Flores (right)

Humihiling ng dasal si Herlene mula sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at tagahanga dahil bukas, April 22, na ang final screening para sa official candidates ng Binibining Pilipinas 2022.

Sa isandaang mga aplikante, apatnapu (40) lamang ang pipiliin ng Binibining Pilipinas Charities Inc. kaya umaasa si Herlene na makakabilang siya para sa pagpapatuloy ng kanyang pangarap magkaroon ng beauty title.

“Ipag-pray n’yo na sana matanggap ako bukas, April 22, Friday, Bb. Pilipinas Final Screening. Calltime 11 am sa Kia Theatre [New Frontier Theater now]. Sana makita ko mga supporters ko dito para mag-picture-picture,” apela ni Herlene.

Ipinauubaya ni Herlene sa Panginoong Diyos ang magiging kapalaran sa kanyang Binibining Pilipinas bid.

May mga naniniwalang malaki ang tsansa ni Herlene na makapasok sa 40 official candidates ng Binibining Pilipinas.

Kapag nangyari ito, magkakaroon na siya ng pag-asang makamit ang pangarap na makuha ang Bb. Pilipinas-Grand International title.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene "Hipon Girl" Budol nagbago ang hitsura sa application photos niya para sa Binibining Pilipinas 2022.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results