PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame, Luis Manzano prank call on Vilma Santos

Luis Manzano, nag-guest sa online show ni Willie Revillame.
by Jojo Gabinete
Published Apr 25, 2022
luis manzano and willie revillame
Willie Revillame (right) on Luis Manzano (left): “Itong bata ito, very honest, very humble. Nakikita ninyo na masayang-masaya ito, ang puso nito, napakababang-loob sa ating mga kababayan…”
PHOTO/S: YouTube

Ang "prank call" kay Lipa House Representative at Star for All Seasons Vilma Santos-Recto ang highlight ng guesting ni Luis Manzano sa Wowowin, ang game show at public service program ni Willie Revillame na may live streaming sa Facebook at YouTube, ngayong Lunes, April 25, 2022.

Si Luis ang nag-dial sa numero ng cellphone ng kanyang ina pero si Willie ang nakipag-usap.

“Kayo po ba si Ate Guy [Nora Aunor]? Hello Ate Guy?” tanong ni Willie kay Vilma.

“Hindi… ako si… yeah, tama, you’re right Noranian,” sagot ni Vilma.

Nagulat ang Star For All Seasons nang mabosesan nito si Willie.

“Ay, si Willie ka! Luka-luka… Willie, sira-ulo mo ha? Hi Willie, how are you?” sabi ni Vilma, na walang kamalay-malay na live na napapanood ang pag-uusap nila sa Facebook at YouTube channels ng Wowowin.

“Hi Willie, kumusta na? I love you… I miss you.”

Ipinaalaala naman ni Willie kay Luis na ninang niya si Vilma nang magpakasal siya kay Liz Almoro noong June 2005.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ninang kayo nung pangalawa, di ba? Alam niyo ano ang nangyari? Hiwalay!” pahayag ni Willie kaya napahalakhak ang mag-ina.

Sa mga hindi nakakaalam, ninong naman si Willie nang magpakasal sina Luis at Jessy Mendiola sa Lipa City noong February 2021.

Read: Surprise!!! Luis Manzano and Jessy Mendiola marry in secret on February 21, 2021

Pahayag ni Vilma, “Willie, I just want to congratulate you. Maraming-maraming salamat sa ginagawa mong sharing sa mga kababayan nating nangangailangan. Ibang klase ka talaga.

“That’s the only way na pasasalamat natin sa mga taong nilagay tayo kung saan tayo ngayon. Yun bang payback time.”

WILLIE-LUIS FRIENDSHIP

Ang paglabas ni Luis sa show ni Willie ang unang pagkakataong napanood sila na magkasama dahil magkatapat noon sa telebisyon ang kanilang mga programa, ang Minute to Win It ng ABS-CBN at Wowowin ng GMA-7.

Ipinagtapat ni Luis na bukod sa ninong niya si Willie sa kasal, matagal na silang magkaibigan kahit magkatapat noon ang timeslot ng mga game show nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam niyo po, nagkakataon na magkatapat yung mga programa namin, e, talagang hindi nawala yung pagkakaibigan namin ni Tito Wils.

“Ang gusto lang namin, tumulong, magpasaya. Yun lang,” deklarasyon ni Luis sa guesting niya sa Wowowin.

Isiniwalat naman ni Willie na nagkakaroon sila noon ng mga meeting ni Luis sa Wil Tower Mall.

“Baka hindi nyo alam, nagmi-meeting kami dito at nag-uusap kami. Ang nakakatuwa kay Luis, e, nagsi-seek siya ng advice sa akin.

“Itong bata ito, very honest, very humble. Nakikita ninyo na masayang-masaya ito, ang puso nito, napakababang-loob sa ating mga kababayan…” sabi ng TV host.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame (right) on Luis Manzano (left): “Itong bata ito, very honest, very humble. Nakikita ninyo na masayang-masaya ito, ang puso nito, napakababang-loob sa ating mga kababayan…”
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results