Hindi nakadalo si Marco Gumabao sa virtual media conference ng horror movie na Rooftop noong April 21, 2022 dahil sa shooting ng Spellbound, ang pelikula nila ni Bela Padilla.
Umuwi ng Pilipinas si Bela mula sa London para tapusin lamang ang shooting ng Philippine adaptation ng 2011 South Korean horror romantic-comedy film.
Natapos ang shooting ng Spellbound noong Lunes, April 25.
Read: Bela Padilla, Marco Gumabao magtatambal for the first time sa pelikulang Spellbound
Naging pabor ito kay Marco dahil nagkaroon siya ng sapat na panahon para paghandaan ang preliminary competition ng Miss Universe Philippines 2022 na magaganap ngayong Miyerkules ng gabi, April 27, sa The Cove ng Okada Manila sa Paranaque City.
Si Marco ang host ng The Preliminaries, kasama si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez.
Ayon sa aktor, magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman niya, kahit naranasan na ng aktor maging host ng local beauty pageants at movie awards night.
“Sobra po akong excited para sa The Preliminaries ng Miss Universe Philippines 2022.
“First time kong mag-host ng ganito kalaking event and it is such an honor po for me. Sobrang kinakabahan ako kasi sigurado akong marami ang manonood, pero kakayanin po.
“Siyempre, sobrang excited ako for this opportunity kaya pinapasalamatan ko ang Miss Universe Philippines Organization, especially si Jonas Gaffud, ang creative director, for having me.
Mensahe pa ni Marco, “Good luck to all the contestants and I’m sure it’s gonna be a good one.”
Special guest si Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu, at performers sina EZ Mil, Anji Salvacion, Gabriel Umali, at Yheen and Yuki sa preliminary competition ng national beauty pageant na may tagline na "Uniquely Beautiful."