Notorious gambling den owner ang role ni Baron Geisler sa Pusoy, ang pelikula ng Viva Films na magsisimula ang airing sa Vivamax sa May 27, 2022.
Dahil sa karakter na ginampanan ng 40-year-old actor, ang maipapayo niya sa mga kapwa artistang nalulong sa sugal o ibang bisyo ang isa sa mga itinanong sa kanya.
Hindi nagdalawang-isip si Baron sa pagsagot dahil inirekomenda niya ang 12-Step Program na malaki umano ang naitulong sa kanyang pagbabago.
Pahayag niya, “Hindi sa pag-aangat ng bangko sa mga co-actors ko, wala pa po akong nakatrabaho na pasaway.
"Even Mark Anthony Fernandez, ang laki ng pagbabago nung nakatrabaho ko siya sa Barumbadings.
"Naniniwala po ako na mas matalino na ang mga artista natin ngayon. Nag-iipon, mas dedicated sila sa trabaho, hindi sa fame.
"Hats off ako sa kanilang lahat."
Naniniwala si Baron na isang klase ng sakit o mental disorder ang mga masasamang bisyo.
“Dun sa mga nalulong noon at hanggang ngayon, e, may programa, kung willing silang magbago.
“May 12-Step Program and I’m part of that 12-Step Program para makaiwas ako sa mga ganyang klaseng bisyo kasi disease po ‘yan.
“We have to educate people that it is a mental disorder so it’s no different from having diabetes.
"We cannot condemn them but you can care for them and alalayan patungo sa tamang destinasyon," saad ni Baron.
May paglilinaw rin si Baron tungkol sa erotic Tagalog movies na napapanood sa Vivamax dahil wala raw siyang isyu sa sexy projects ng kanyang home studio.
“I have no issues with their films," sabi ni Baron.
"I just play a character and art imitates life. To tell you honestly, life isn’t all about roses.
“I believe the vision and mission of Viva is to put out movies that are raw, truthful, and happening in our country. It’s very relevant.
“I just want to take this opportunity to thank the bosses. Kung hindi po ako nakapasok sa Viva, malamang hindi po ako active sa karera ko ngayon as an actor."
May mensahe rin si Baron para sa Viva executives: “Isang request sana sa mga bossing, pagbigyan ako to do a sexy action na parang may pagka-Bonnie and Clyde.
“Isa po yun sa pangarap ko, sana nakikinig po sila.”