PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robina Gokongwei-Pe pays tribute to Ping Lacson

"Time to relax, White Knight!"
by Jojo Gabinete
Published May 12, 2022
ping lacson robina gokongwei pe
Sa pamamagitan ng social media ay nagbigay-pugay ang presidente at CEO ng Robinsons Retail Holdings Inc. na si Robina Gokongwei-Pe kay Senator Ping Lacson matapos ianunisyo ng presidential candidate ang kanyang pagreretiro sa pulitika.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Tumanggap ng mga papuri at paghanga si Senator Panfilo "Ping" Lacson nang ianunsiyo nito ang kanyang pag-uwi sa tahanan nila sa Cavite, isang araw matapos ang halalan noong Lunes, May 9, 2022.

Maginoo at maluwag sa kaloobang tinanggap ni Lacson ang resulta ng eleksyon.

Kumandidato si Lacson na pangulo ng Pilipinas ngunit hindi siya pinalad magwagi. Sa sampung kandidato ay pumanglima lamang siya.

Noong Martes, May 10, ginamit ni Lacson ang kanyang Instagram page para ipaalam sa publiko ang planong pagreretiro mula sa public service, makalipas ang limang dekada.

Mensahe niya: “I’m going home. After being away too long looking after the needs of other people, it is time to serve my family for a change.

“Enjoying peace and quiet in these challenging times will probably be my life’s greatest reward.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tito Sotto, tanggap ang pagkatalo; Ping Lacson, magreretiro na sa pulitika

Ngayong Huwebes ng umaga, May 12, sa pamamagitan ng isang Facebook post, nagbigay-pugay si Robina Gokongwei-Pe kay Lacson dahil sa pagliligtas nito sa buhay niya at ng kanyang pinsan noong August 1981.

Noong panahong iyon ay opisyal pa lamang ng Metropolitan Command ng Philippine Constabulary si Lacson.

Si Robina ang kasalukuyang presidente at CEO ng Robinsons Retail Holdings Inc. President at CEO.

Mensahe ni Robina: “Thank you Sen. Ping Lacson for your 50 years of government service.

“Thank you for rescuing my cousin Celina and myself in August 1981 after we were kidnapped for seven days by a gang headed by the wayward son of a judge.

“I still have newspaper clippings and a diary about the incident.

“I refused to read them again for the past 40 years but decided to finally bring them out of my baul after you announced that you just want to go home and spend time with your family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Time to relax, White Knight!"

robina gokongwei pe post

Noong November 10, 2019, ikinuwento ni Lacson ang ilan sa mga nangyari nang mailigtas nila si Robina at ang pinsan nito mula sa mga kamay ng kidnap for ransom gang

Pagbabalik-tanaw niya: “In 1981, I instructed him [John Gokongwei Jr., pumanaw na ama ni Robina] not to sound intimidated while negotiating for Robina’s ransom.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"He snapped at her kidnappers, '10M? Do you know how long it’ll take me to count that much money? You can have my daughter!'

"I said, 'Not too bold either Mr John.'

“We rescued Robina just before the ransom payment, so no ransom was paid. Afterwards, John offered P400K as reward money which I politely declined.

"He officially donated 10 mobile cars to the PC Metrocom instead thru then Chief PC Fidel V. Ramos."

robina gokongwei pe post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging kontrobersiyal din si Robina noong dekada '80 dahil sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa isang urban legend.

May kakambal umanong ahas si Robina na nagtatago sa fitting room ng department store na pag-aari nila at sumasalakay sa mga kostumer. Kabilang pa umano ang aktres na si Alice Dixson sa mga naging biktima ang urban legend noon tungkol kay Robina.

Walang katotohanan ang urban legend na malinaw na kathang-isip at pinagtatawanan na lamang ngayon dahil buhay na buhay si Alice at ni minsan, walang nakitang ahas sa fitting room ng mga department store ng mga Gokongwei.

Read: Alice Dixson and the "taong ahas" urban legend; her side of the story finally told

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pamamagitan ng social media ay nagbigay-pugay ang presidente at CEO ng Robinsons Retail Holdings Inc. na si Robina Gokongwei-Pe kay Senator Ping Lacson matapos ianunisyo ng presidential candidate ang kanyang pagreretiro sa pulitika.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results