Magic 12 Proclamation: Robin Padilla, naisingit ang linya ng "Wonderful Tonight"; Loren Legarda, sinamahan ng anak na si Leandro

by Jojo Gabinete
May 18, 2022
robin padilla loren legarda
Sina Robin Padilla (kaliwa) at Loren Legarda (kanan, kasama ang anak na si Leandro Leviste) ang nanguna at pumangalawa, respectively, sa senatorial race nitong May 2022 elections.
PHOTO/S: YouTube

Si Robin Padilla ang nanguna at si Loren Legarda ang pumangalawa sa mga senatorial candidate na nakatanggap ng pinakamataas na boto sa halalang nangyari noong May 9, 2022.

Lubos ang pasasalamat ng dalawa sa mga nagtiwala at naghalal sa kanila.

Ang anak na si Leandro Leviste ang kasama ni Loren sa proklamasyon ng mga senador na naganap sa Philippine International Convention Center ngayong Miyerkules ng hapon, May 18, 2022.

Ilang araw bago naganap ang eleksyon, isang open letter ang inilabas ni Lorenzo Leviste, ang panganay na anak ni Loren, na ikinagimbal ng publiko dahil sa pagtatakwil nito sa sariling ina.

Nasaksihan ng publiko ang mga haplos at yakap ng pagmamahal ni Loren kay Lean nang umakyat ito sa entablado para sa kanilang photo op.

Sa kanyang pasasalamat, kapansin-pansin ang hindi pagbanggit ng senadora sa pangalan ni Lorenzo.

Bahagi ng pahayag ni Loren, “Maraming salamat sa Panginoong Diyos sa pagkakataon na makapaglingkod na muli sa taumbayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maraming salamat sa aking mahal na pamilya, ang Papa ko, 89 na po kaya hindi makapunta rito.

“Papa, salamat sa pangangampanya mo sa Antique at sa Laguna. Nanonood ang Papa ko online, he’s 89.

“Salamat kay Nanay Fely, ang aking Ilokanang nanay na walang tigil sa kampanya sa Ilocos Norte," pagtukoy ni Loren sa kanyang yaya na nag-alaga at nagpalaki sa kanya at itinuring nitong pangalawang ina.

Patuloy niya, “Salamat sa aking anak, Leandro. Sa buong pamilya ko.

"At salamat sa aking staff na halos less than ten lang po kami na nangampanya at sa mga volunteer hanggang sa mga liblib na lugar.

“Sa mga hindi po nabanggit, lubos po ang aking pasasalamat,” ang mensahe na ipinarating ni Loren sa lahat ng mga sumuporta sa kanyang matagumpay na senatorial bid.

Dalawang minuto ang ibinigay sa lahat ng mga nahalal na senador para sa kanilang mga sasabihin, pero umabot sa mahigit sa apat na minuto ang pagsasalita ni Robin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang aktor din ang may pinakamarami kasama nang iproklama siya ng Commission on Elections bilang senador.

“Sa akin pong pamilya, sa akin pong asawa, isa lang po ang asawa ko, si Mariel lang po at sa akin pong mga kapatid, sa akin pong mga kaibigan, Kuya Ipe Salvador,” bahagi ng talumpati ni Robin.

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ng aktor si President Rodrigo Duterte dahil sa mga tulong nito sa kandidatura niya.

Hiningi rin ni Robin ang suporta ng kanyang mga makakasama sa senado para maisulong ang layunin niya na magkaroon ng pagbabago sa Saligang Batas.

“Ang tangi ko pong hiling ngayon, yun pong 26-plus million na mga bumoto po sa akin, naniniwala po sila sa aking plataporma at yun po ang reporma sa ating Saligang Batas.

“Hinihingi ko pa sa inyo mga kapatid ko sa Senado, atin pong bigyan ng pagkakataon ang reporma. Hinihingi na po ito, narinig ko na po ang napakaraming patungkol sa suweldo, patungkol sa trabaho, patungkol sa edukasyon, lahat po ‘yan, nakasalalay kung atin pong haharapin ang pagreporma sa Saligang Batas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bilang panghuling salita po dahil dalawang minuto lang ito, gusto ko lang pong malaman ninyo na it’s late in the evening, I feel wonderful tonight.”

Natawa ang PICC audience sa huling sinabi ni Robin na hango mula sa lyrics ng "Wonderful Tonight," ang 1977 hit song ni Eric Clapton na naging signature song niya sa panahon ng kanyang pangangampanya.

Postscript: Kasama rin sa entourage ni Robin ang kanyang kapatid na si Rommel at ang mga kaibigan niyang sina Nadia Montenegro at Senator Bong Go.

Tanging ang misis na si Heart Evangelista ang sumporta sa proklamasyon kay Senator Francis Escudero dahil wala ang mga kambal na anak nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama naman ni Win Gatchalian ang kanyang girlfriend na si Bianca Manalo.

win gatchalian proclamation

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Robin Padilla (kaliwa) at Loren Legarda (kanan, kasama ang anak na si Leandro Leviste) ang nanguna at pumangalawa, respectively, sa senatorial race nitong May 2022 elections.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results