Nag-iisa lang talaga si Anne Curtis.
Siya lamang ang puwedeng makagawa, umulit o mag-take two sa kanyang performance tulad ng nangyari sa production number niya nang bumalik siya bilang isa sa mga host ng noontime show na It’s Showtime ngayong Sabado, May 28, 2022.
Read: Anne Curtis, inanunsiyo ang pagbabalik sa It's Showtime sa May 28
Ang hit song na "Break Free" ni Ariana Grande ang inawit ni Anne, pero bigla siyang huminto sa unang linya pa lamang ng kanyang kanta dahil kinabahan siya.
“Wait lang! Isa pa, isa pa! Kinakabahan akooooo! Take 2!!” matinis ang boses at umaalingawngaw na sigaw ni Anne.

Kumuha siya ng buwelo bago inulit ang pagkanta niya na isa sa mga unscripted at nakakatawang sandali sa national television at live broadcast ng It’s Showtime.

“I just want to say sorry, pasensiya na. I’m still rusty. Medyo rusty ako ngayon…my performance earlier,” paumanhin ni Anne sa madlang people o viewers ng It’s Showtime habang kinakausap siya ng mga co-host niya.
Inamin ni Anne na hindi siya masyadong nakatulog kagabi dahil sa magkahalong excitement at kaba na nararamdaman niya sa unang araw ng kanyang pagbabalik sa It’s Showtime makalipas ang mahigit dalawang taon.
Saad niya, “I’m so excited. It’s a different experience. It’s been so long kasi ang tagal kong nawala.
“I was not sure but I know I have you guys beside me, to help me get used to it again.
"I’m just so happy to be here and, as I always tell you guys, baby steps, but I know I have you guys to support me," sabi ni Anne, na napaluha dahil sa sobrang kaligayahang nararamdaman.
Ikinuwento rin ni Anne na pinayagan niyang manood ng TV ang kanyang anak na si Dahlia para makita siya nito sa It’s Showtime.
“Hello Dahlia! Mama’s here, I love you,” bati ni Anne sa kanyang anak.
Ayon sa mga nakapanood ng pagbabalik ni Anne sa It’s Showtime, lalong gumanda ang aktres mula nang maging ina ito. Isang patunay na maligayang-maligaya siya sa piling ng kanyang asawa na si Erwan Heussaff at ng anak nilang si Dahlia.