Watch Now

Felix Roco, nakipagsabayan sa baguhang sexy stars sa hubaran

by Jojo Gabinete
May 29, 2022
felix roco secrets
Felix Roco on agreeing to go daring in his latest movie, Secrets: “Ang hirap na kasi na wala kang ginagawa.I decided to… it’s about time na rin. Why not, di ba? If you’re prepared for something naman, I know you could give it a hundred percent, so I was prepared.”

Ang Secrets ang unang pelikula ni Felix Roco para sa Vivamax.

Marami ang nagulat dahil nakipagsabayan siya sa paghuhubad sa mga eksena ng kanyang mga baguhang co-star — sina Miss Philippines Earth 2019 Janelle Tee, Denise Sebastian, at Benz Sangalang.

Nang tanungin tungkol sa desisyon niyang magpaseksi sa pelikula, “Because I want to work," nagpakatotoong sagot ni Felix.

Dagdag niya, “Ang hirap na kasi na wala kang ginagawa.I decided to… it’s about time na rin. Why not, di ba?

“If you’re prepared for something naman, I know you could give it a hundred percent, so I was prepared.”

Pumalakpak sina Janelle, Denise, at Benz nang banggitin sa press conference ng Secrets na mahusay na aktor si Felix dahil malaki umano ang naitulong nito sa kanila habang ginagawa nila ang pelikula na mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes.

Ayon kay Benz, “Para sa akin po, ang naitulong sa akin ni Felix, mas naging komportable akong maghubad kasi may scene kaming tumatakbo sa dagat, maliwanag. Kumbaga, nakakahiya talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakita ko siya, parang walang lang. Tumakbo siya. Kung hindi [niya ginawa yun], problema rin sa akin.

“Nahihiya talaga ako nung umpisa, pero dahil dun, na-encourage ako. Sa istorya kasi, talagang susundan ko siya.”

Nagkaisa naman sina Janelle at Denise sa pagsasabing si Felix ang nagbigay sa kanila ng energy sa set ng Secrets.

Sabi ni Janelle, “Napaka-giving na aktor ni Felix. Nagkasama na rin kami sa Pusoy, pero sa Secrets, mas marami kaming interaction and then, maraming tensions.

"So, nakakakuha ako sa kanya ng energy na kailangan namin sa eksena,”

Ayon naman kay Denise, “Iba kapag yung kasama mong umaarte, e, magaling talaga. Parang madadala ka sa kanya.

"Matsa-challenge ka rin na kailangan mong pantayan yung energy na ibinibigay niya."

Muling nagpakatotoo si Felix nang sabihin nitong labag sa kanyang kalooban na gawin ang nude scene nila ni Benz, pero ayaw niyang siya ang maging cause of delay ng shooting ng Secrets.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag niya, “Actually, sa totoo lang, kinakabahan din ako, pero ayoko lang mag-stall ng shooting. I just did it para matapos lang kaagad.

“Nung una talaga, ayokong gawin, pero ayoko naman masabihan na ‘O, bakit hindi mo ginagawa? Akala ko ba, game tayo?’”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Felix Roco on agreeing to go daring in his latest movie, Secrets: “Ang hirap na kasi na wala kang ginagawa.I decided to… it’s about time na rin. Why not, di ba? If you’re prepared for something naman, I know you could give it a hundred percent, so I was prepared.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results