PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chad Kinis breaks up with boyfriend on April Fools' Day

Third party ba ang dahilan ng breakup ni Chad Kinis at ng boyfriend niya?
by Jojo Gabinete
Published Jun 3, 2022
chad kinis boyfriend
Para kaya sa ex-boyfriend na si Nikko Alano Chua ang parinig na ito ng comedian na si Chad Kinis?: “Kaya nga pala ako nagpapaganda ng katawan para hindi tayo ipinagpapalit sa mga lalaking magaganda rin ang katawan. Dyusko, maganda pala ang katawan ng [inaudible] kaya naloko tayo."
PHOTO/S: Facebook (Niko Alano Chua)

April 1 ang April Fools' Day, pero ito ang araw na hindi nagpaloko ang comedian na si Chad Kinis dahil tinapos niya ang relasyon nila ng kanyang ex-boyfriend, ang model na si Nikko Alano Chua.

Hindi nagtagal ang same-sex relationship ng dalawa na una nilang inamin sa publiko noong June 2021.

Read: Chad Kinis, may bagong boyfriend

Mabilis na nagpatuloy ang normal na buhay ni Chad matapos makipaghiwalay kay Nikko dahil walang kalungkutang mababakas sa kanyang mukha at boses sa media conference ng pelikulang PaThirsty noong May 26, 2022.

Ang PaThirsty ay mapapanood sa Vivamax simula sa June 29, 2022.

Hindi itinatanggi ni Chad na hiwalay na sila ni Nikko, pero hindi siya nagkukuwento sa tunay na dahilan ng pagwawakas ng kanilang relasyon para hindi na mapag-usapan pa ang kanyang ex-boyfriend na nakilala at nadagdagan ang social media followers nang dahil sa kanya.

Nonetheless, tila may patama si Chad kay Nikko sa kanyang Road to Hipon vlog noong May 21, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya nga pala ako nagpapaganda ng katawan para hindi tayo ipinagpapalit sa mga lalaking magaganda rin ang katawan.

“Dyusko, maganda pala ang katawan ng [inaudible] kaya naloko tayo.

"Ang gawin natin, magpaganda rin tayo ng katawan para makita natin kung ano ang sinayang niya… eme… charos…” makahulugang parinig ni Chad na isang pahiwatig na nakaranas ito ng panloloko at may third party sa naganap na hiwalayan.

Hindi na mapapanood sa YouTube channel ni Chad ang mga video nila ni Nikko noong "mahal na mahal" pa nila ang isa’t isa.

Nang unang maghinala ang kanyang followers na may problema sa relasyon nila ni Nikko, nagpaliwanag si Chad na nagkasundo silang dalawa na hindi muna magiging madalas ang kanilang pagkikita dahil gusto ng boyfriend niyang ibuhos ang panahon at atensiyon nito sa pag-aalaga sa inang may karamdaman.

Makalipas ang ilang linggo, lumitaw ang katotohanang hiwalay na ang dalawa.

Isang alaala na lamang na posibleng ayaw nang maisip o mabasa pa ni Chad ang Facebook post ni Nikko noong June 10, 2021:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Babe, always remember that I am here for you no matter what happen. We will both hold each other’s hand as we go through our journey in life and cherish every laughter and moment that we’d be able to spend.

“There might be instances that we’ll fight but I will try my best to always understand you and make it more easier for us to be alright.

“Being a public figure could harm our relationship because there are so many negativities surrounding us both without even knowing but despite all of that we could do everything with the help of every positivities we have — which is our love for each other and from the people that’ll support and that’s supporting us.

“No one could ever destroy us. Specially that we have everything by the faith in God. You’re a Godsent, babe!

“I wanted to make every day of your year, decade and even century (if I am able to do so) extraordinary! I love you!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi natupad at napanindigan ni Nikko kaya hindi man lamang umabot ng isang taon ang relasyon nila ni Chad.

Read: Lassy Marquez on Chad Kinis's love life: "Sa nakikita ko, mahal talaga siya nung guy."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para kaya sa ex-boyfriend na si Nikko Alano Chua ang parinig na ito ng comedian na si Chad Kinis?: “Kaya nga pala ako nagpapaganda ng katawan para hindi tayo ipinagpapalit sa mga lalaking magaganda rin ang katawan. Dyusko, maganda pala ang katawan ng [inaudible] kaya naloko tayo."
PHOTO/S: Facebook (Niko Alano Chua)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results