PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alma Concepcion warns friends against former housemaid

Dating kasambahay ni Alma, nagnakaw umano ng mahgit P300,000 sa kanila.
by Jojo Gabinete
Published Jun 5, 2022
alma concepcion maid
Alma Concepcion on former housemaid named "Jhovelyn": "Years na siyang wala sa amin. Na-trigger lang ako today kasi I found out na she’s calling some of my friends, looking for work. Parati kaming nawawalan noon ng mga pera until napaamin namin siya."
PHOTO/S: @alma.concepcion on Instagram

Matagal nang hindi naglilingkod kay Alma Concepcion ang dating kasambahay nito na may pangalang “Jhovelyn.”

Pero hindi napigilan ng aktres ang sarili na manawagan at bigyan ng babala ang publiko dahil sa kanyang mga nalaman.

Ginamit ng ex-beauty queen ang Facebook page niya para isiwalat ang mga kasalanang ginawa umano ni "Jhovelyn" sa kanyang pamilya.

Ngayong Linggo ng gabi, June 5, 2022, hiningi ng Cabinet Files ang paliwanag ni Alma sa Facebook post niya tungkol sa taong nang-abuso umano sa kanilang tiwala at kabutihan.

Lahad ng beauty queen-turned-actress, “Nagtrabaho siya sa amin mula 2013 hanggang 2018. Taga-Romblon siya.

“Years na siyang wala sa amin. Na-trigger lang ako today kasi I found out na she’s calling some of my friends, looking for work.

“Parati kaming nawawalan noon ng mga pera until napaamin namin siya.

“Pati si Cobie [Alma’s son], nawawalan ng money sa wallet.

“Sabi ng friends niya ['Jhovelyn'], palagi siyang nagpapapalit ng dollars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang suweldo ng FA [flight attendant] ko na brother, dollars. Nasa wallet lang palagi, hindi niya binibilang dahil sa tiwala.”

Idinagdag ni Alma na umabot sa P300,000 ang halagang ninakaw umano mula sa kanila, base sa mga ebidensiya at resibo ng mga pera na ipinadala ng suspek sa pamilya nito sa Romblon.

Ayon kay Alma, naisipan niyang i-post sa social media ang mga larawan ng kanilang dating kasambahay bilang babala sa lahat at para hindi na madagdagan pa ang mga magiging biktima nito ng pagnanakaw.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alma Concepcion on former housemaid named "Jhovelyn": "Years na siyang wala sa amin. Na-trigger lang ako today kasi I found out na she’s calling some of my friends, looking for work. Parati kaming nawawalan noon ng mga pera until napaamin namin siya."
PHOTO/S: @alma.concepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results