Lalong tumatag ang pagkakaibigan nina Sue Ramirez at Diego Loyzaga nang magkasama sila sa How To Love Mr. Heartless, ang bagong pelikula ng direktor na si Jason Paul Laxamana para sa Vivamax.
Nagmarka sa isip ni Diego ang ginawa ni Sue para kay Direk Jason sa isang classroom scene na kinunan ng madaling-araw pero nagkaroon ng problema dahil sa kawalan ng kooperasyon ng ibang mga katrabaho nila.
Kuwento ni Diego, “Direk is the type of director na hindi siya nagagalit. He will tell you off pero hindi siya yung parang mga sumasabog na direktor.
“Itong si Sue, she stood up. It was like two in the morning...”
Hiningi muna ni Diego ang permiso ni Sue bago niya ipinagpatuloy ang kanyang kuwento.
“We’re all tired. Dayang umaga [ang eksena] ito. We had all the lights on, it was hot inside, walang aircon.
"Ang iingay, ayaw tumahimik yung ibang mga tao. Ang iingay nila.
“I was outside, talking to our production designer, biglang may narinig akong sumisigaw, ‘Ano, ayaw niyo pa bang ayusin? Kami, inaayos namin ang trabaho namin!’
“Sabi ko, 'Ano yun?' Ako naman, sugod ako sa loob ng classroom. Sabi ko, 'Anong nangyari dito? Parang may nag-aaway?'
"Siyempre reresbak ako [para kay Sue]. 'Sinong umaaway kay Sue?'
“Yun pala, may mga pasaway, yung maiingay, and I saw na Sue was doing that for Direk.
“I was, like, 'Damn! I' like this group. We have each other's back.
"That really molded us, bonded us as group,” salaysay ni Diego tungkol sa pagsaway ni Sue sa mga taong maiingay sa set ng How To Love Mr. Heartless.
Ang ikinuwentong insdiente ay isa lamang sa mga halimbawa kaya gustung-gusto ni Direk Jason ang mga ugali nila ni Sue.
Para sa direktor, isa si Sue sa mga aktres na magaang katrabaho samantalang hinahangaan niya ang humility ni Diego.
Saad ni Direk Jason, “Sue is one of the actresses na nakatrabaho ko na sobrang gaan and it helps dahil pandemic tayo, limitado ang oras sa set, it helps na ganoon yung artista na katrabaho mo.
“Kapag may nakakatrabaho ako na ganyan, nai-inspire ako na in the future.
"I hope to work with them again. Siguro mas complex na karakter kasi I just know na they can give life to these characters na one hundred percent."
Patuloy niya, “Si Diego, I am actually surprised na he is also very serious in his craft to the point na he always ask me questions. I like the fact na hindi siya parang know-it-all or smart-ass.
“He asks and that’s very important. Kasi may ibang actors sa set, mga minor character, hindi sila nagtatanong considering mas experienced si Diego.
“Pero here is Diego na magaling na siyang umarte but he still asks questions. So, that kind of humility is key para sa growth niya as an actor.”