PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sanya Lopez attends inauguration of Vice President Sara Duterte

The "First Lady" meets the new Vice President...
by Jojo Gabinete
Published Jun 20, 2022
sanya lopez sara duterte inauguration
Kabilang ang Kapuso actress na si Sanya Lopez sa mga artistang nagtanghal sa Musikahan, ang concert ng pasasalamat ni Vice President Sara Duterte para sa kanyang mga kababayan at sa lahat ng mga sumuporta sa kandidatura niya.
PHOTO/S: @sanyalopez on Instagram

Isang karangalan para sa First Lady lead star na si Sanya Lopez na naimbitahan siya sa inagurasyon ni Sara Duterte bilang bise-presidente ng Pilipinas sa seremonya na ginanap sa San Pedro Square, Davao City kahapon, June 19.

“Privileged to be invited at VP Sara Duterte’s oath taking ceremony,” pahayag ni Sanya sa Instagram tungkol sa pagdalo niya sa makasaysayang okasyon sa buhay ng bagong halal na pangalawang pangulo ng Pilipinas.

Marami ang natuwa sa larawan nila ni Inday Sara na inilabas ni Sanya dahil sa personal na pagtatagpo ng kanyang fictional Melody character sa First Lady, ang top-rating primetime drama series ng GMA-7 at ng tunay na bagong bise-presidente ng bansa.

Kabilang si Sanya sa mga artistang nagtanghal sa Musikahan, ang concert ng pasasalamat ni Inday Sara para sa kanyang mga kababayan at sa lahat ng mga sumuporta sa kandidatura niya sa pambansang halalang nangyari noong May 9, 2022.

May litrato rin si Sanya na kasama si Ilocos Norte Representative-elect Sandro Marcos kaya may mga tagahanga siyang pilit na iniuugnay sila sa isa’t isa, kahit may iba nang napapabalitang karelasyon ang anak ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lani Mercado accidentally reveals Sandro Marcos's secret relationship; is it Alexa Miro?

Bukod kay Sanya, dumalo rin sa inagurasyon ni Inday Sara sina Senator Bong Revilla Jr. Congresswoman-elect Lani Mercado, Senator-elect Robin Padilla, Herbert Bautista, GMA Films President Annette Gozon-Valdes, at si GMA Network Inc. Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang ang Kapuso actress na si Sanya Lopez sa mga artistang nagtanghal sa Musikahan, ang concert ng pasasalamat ni Vice President Sara Duterte para sa kanyang mga kababayan at sa lahat ng mga sumuporta sa kandidatura niya.
PHOTO/S: @sanyalopez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results