PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sarah Geronimo will not transfer to GMA-7

Balitang lilipat si Sarah sa GMA-7, pinabulaanan ng isang source.
by Jojo Gabinete
Published Jun 20, 2022
sarah geronimo network transfer
Isang malapit kay Sarah Geronimo ang nagsabing hindi totooong lilipat ang singer-actress sa GMA-7 para maging coach muli ng The Voice Kids Philippines.
PHOTO/S: @matteog on Instagram

Matunog ang balitang nakuha na ng GMA-7 ang karapatan para maipalabas nila sa telebisyon ang The Voice Kids Philippines, na napanood sa ABS-CBN mula May 2014 hanggang November 2019, pero hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang management ng Kapuso Network.

Read: The Voice, lilipat na sa GMA-7 with Xian Lim as host?

Isa si Sarah Geronimo sa original coach ng The Voice Kids kaya nagkaroon ng mga haka-haka tungkol sa kanyang posibleng pagbalik sa GMA-7, na naging tahanan niya noong 2003 nang maging guest performer siya sa Sunday noontime musical-variety show na SOP.

Tinuldukan ng isang malapit kay Sarah ang isyung lilipat ang singer-actress sa Kapuso Network para maging coach ng The Voice Kids na maaaring ikalungkot ng kanyang fans.

Sinabi ng source ng Cabinet Files na walang paglipat na mangyayari dahil mananatili si Sarah sa ABS-CBN at babalik na siya sa ASAP Natin ‘To sa susunod na buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simula sa July 2022, isang beses sa isang buwan na mapapanood si Sarah sa Sunday noontime musical-variety show ng Kapamilya Network.

Hindi regular ang partisipasyon ni Sarah sa ASAP Natin ‘To.

Bukod sa nawiwili siya sa pagiging maybahay ni Matteo Guidicelli, nakatutok din ang atensiyon niya sa recording ng mga bagong kanta para sa kanyang bagong album.

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang malapit kay Sarah Geronimo ang nagsabing hindi totooong lilipat ang singer-actress sa GMA-7 para maging coach muli ng The Voice Kids Philippines.
PHOTO/S: @matteog on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results