PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mayor Isko Moreno on new chapter as grandfather

Isko, nagpasalamat sa mga Manileno sa huling flag-raising ceremony niya bilang mayor.
by Jojo Gabinete
Published Jun 28, 2022
isko moreno manila mayor
Outgoing Manila Mayor Isko Moreno: “Kung ano man ang ating nagawa at napagtagumpayan sa tatlong taon kong paninilbihan bilang alkalde, ito ay bunga ng ating pagtutulungan at pagmamalasakit sa isa't isa. Dito lang po ako sa beta, bandang nanka, bandang wakali, at minsan nasa kodli lang ninyo. I love you and I will miss you, mga Batang Maynila!”
PHOTO/S: Isko Moreno Domagoso Twitter

Inaabangan ang pahayag ni Manila City Mayor Isko Moreno tungkol sa pagkakaroon niya ng unang apo, si Scott Angelo Castro Domagoso, na isinilang noong April 28, 2022.

Si Scott ang bunga ng pagmamahalan ng anak ni Isko na si Joaquin Domagoso at ng girlfriend nitong si Raffa Castro, na anak naman ng mga One.PH newscaster couple na sina Diego Castro at Angela Lagunzad.

Read: Joaquin Domagoso, may two-month-old son na sa kapatid ni Claire Castro

Hindi pa nagsasalita si Isko tungkol sa isyu pero masayang-masaya siya sa pagdating ni Scott sa buhay nila.

Ito ay kahit malakas na tawa ang reaksiyon niya nang sumagot si Joaquin ng "secret" sa tanong ni Dra. Vicki Belo kung may girlfriend na ang 20-year-old actor.

Ang mag-ama ang ininterbyu ni Dra. Belo sa Father’s Day episode ng kanyang YouTube vlog.

vicki belo isko moreno joaquin domagoso

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang marinig niya ang sagot na "secret" nagsalita ang celebrity doctor ng “Kapag nagdyo-join ng showbiz, kailangan single para, at least, looking single para pagpantasyahan pa rin.”

Pagsang-ayon ni Isko, “In a way, looking single is good.”

Kahapon, June 27, 2022, ang huling araw ng pagdalo ni Isko sa flag ceremony sa Manila City Hall dahil hanggang June 30 na lamang ang kanyang panunungkulan bilang alkalde ng siyudad.

Ngayong umaga, June 28, ibinahagi ni Isko sa Twitter ang damdamin nito tungkol sa nalalapit na pagbaba niya mula sa puwesto na kanyang hinawakan sa loob ng anim na taon.

Mensahe ng outgoing Manila mayor: “Sa huling pagkakataon bago matapos ang aking termino bilang Alkalde ng Maynila, pinangunahan ko pong muli ang lingguhang pagtataas ng ating watawat.

“Taos-puso po akong nagpapasalamat sa lahat ng mga empleyado ng Manila City Hall sa pagtitiwala at pakikiisa sa ating pamumuno.

“Kung ano man ang ating nagawa at napagtagumpayan sa tatlong taon kong paninilbihan bilang alkalde, ito ay bunga ng ating pagtutulungan at pagmamalasakit sa isa't isa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Dito lang po ako sa beta, bandang nanka, bandang wakali, at minsan nasa kodli lang ninyo. I love you and I will miss you, mga Batang Maynila!”

Gaya ng kanyang madalas sabihin, simula sa July 1, "Citizen Isko" na si Isko kaya magkakaroon na siya ng panahon para sa sarili.

Posibleng mabigyan na rin niya ng oras ang entertainment writers na humihiling na magkuwento siya tungkol sa bagong kabanata ng kanyang buhay bilang lolo.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Outgoing Manila Mayor Isko Moreno: “Kung ano man ang ating nagawa at napagtagumpayan sa tatlong taon kong paninilbihan bilang alkalde, ito ay bunga ng ating pagtutulungan at pagmamalasakit sa isa't isa. Dito lang po ako sa beta, bandang nanka, bandang wakali, at minsan nasa kodli lang ninyo. I love you and I will miss you, mga Batang Maynila!”
PHOTO/S: Isko Moreno Domagoso Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results