PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Imelda Marcos to celebrate birthday in Malacañang

Juan Ponce Enrile, tiniyak sa mga kalaban na di pa siya mamamatay.
by Jojo Gabinete
Published Jun 28, 2022
imelda marcos juan ponce enrile
Pagkatapos ng 36 taon ay magdiriwang muli ng kanyang kaarawan ang dating First Lady na si Imelda Marcos sa Malacañang dahil sa pag-upo ng kanyang anak na si President-elect Ferdinand Marcos Sr. Hindi naman makakadalo ang presidential appointee na si Juan Ponce Enrile sa inauguration ni Marcos Jr. dahil tinamaan siya ng COVID-19.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Si former Philippine First Lady Imelda Marcos ang pinakamasaya sa pagbabalik ng kanilang pamilya sa Malacañang Palace makalipas ang 36 na taon.

Ito ang isiniwalat ng kanyang anak na si Senator Imee Marcos sa nakaraang media conference ng pelikulang Maid In Malacañang.

“Siyempre, ang starring diyan ang nanay ko. Kung anong gustong gawin ng nanay ko, susunod po kaming lahat dahil yung nanay ko ang siyang pinaka-excited dahil tagumpay ng isang ina talaga matapos ang 36 years na pagkahaba-haba.

“Kung anong gusto ng nanay ko, higit sa lahat, magbi-birthday na siya doon, July 2,” pahayag ng senadora tungkol sa kanyang ina na magdiriwang ng ika-93 kaarawan sa July 2, 2022.

Halos dalawampung taong nanirahan ang pamilya Marcos sa Malacañang dahil ganun katagal nakaupo sa puwesto ang patriarch nilang si Ferdinand Marcos.

Napatalsik lamang ang pamilya Marcos sa Malacañang dahil sa makasaysayang EDSA People Power Revolution noong 1986.

Read: Ricky Lee on attempts at whitewashing martial law: "Para akong binubura. It hurts."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inaasahan ang pagdalo ng dating First Lady sa panunumpa bilang halal na pangulo ng Pilipinas ng kanyang anak na si Ferdinand Marcos Jr. sa National Museum sa June 30.

Ang Marcos supporter na si Toni Gonzaga ang aawit ng "Lupang Hinirang."

Bilang pag-iingat laban sa COVID-19, kinakailangang sumailalim sa RT-PCR test ang lahat ng mga imbitadong bisita sa oath-taking ceremonies.

Sa kasamaang-palad, hindi makakadalo sa nabanggit na pagtitipon si former Senate President Juan Ponce Enrile, ang pinili ni President-elect Marcos bilang chief legal counsel ng kanyang administrasyon.

Tinamaan kasi ng COVID-19 ang 98-year-old politician.

Kinumpirma ni Enrile ang karamdaman nito sa kanyang Facebook post nitong Lunes, June 27.

Tiniyak ni Enrile sa mga kalaban niyang hindi pa siya mamamatay kaya hindi pa raw sila dapat pumalakpak at magbunyi.

“To all my FB friends, critics, and enemies: Please bear with me. I am in the hospital.

"To my critics and enemies: Do not clap with glee. I am not going to die yet. Far from it. God gave me very good doctors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“He want me, I humbly think, to stay here for sometime more to engage you to help clear and clean up, if possible, your distorted narrative of our history for the benefit of the uninformed innocent people.

“Since three (3) days ago after I entered Makati Med. when I was diagnosed 'positive' for COVID virus.

"I never had any discomfort. No chills. No fever. No head ache. No malaise.

"My body temperature ranges from 36* to 36.8*. My body oxygen ranges from 96 to 99.

"All my physical vital signs and blood chemistry readings were normal. The only thing I had was a dry intermittent, sometimes intense, coughing The CT-SCAN showed that I had mild COVID-19 pneumonia.

“I informed the the Executive Secretary the Hon. Victor E. Rodriguez, about it and requested him to inform the President and ask him that I be excused from attending the oath taking ceremonies of the President and the Vice President on June 30th at noon because I will still be in the hospital by then to complete the Anti-viral regimen prescribed by my doctors.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng 36 taon ay magdiriwang muli ng kanyang kaarawan ang dating First Lady na si Imelda Marcos sa Malacañang dahil sa pag-upo ng kanyang anak na si President-elect Ferdinand Marcos Sr. Hindi naman makakadalo ang presidential appointee na si Juan Ponce Enrile sa inauguration ni Marcos Jr. dahil tinamaan siya ng COVID-19.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results