Ang napapabalitang partnership ng TV5 at ng ABS-CBN ang isa sa mga itinanong kay TV5 Chairman Manny V. Pangilinan sa contract signing ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) at ng Carmen’s Best Group na naganap noong Lunes, June 27, 2022.
“Nothing is being finalized. We’re under confidentiality agreement at saka, you know, we have to obtain government approval first. So it's probably not appropriate to comment at this stage,” maikling sagot ni Pangilinan.
Muling napag-uusapan ang isyu ng pagsasanib-puwersa ng TV5 at ABS-CBN dahil sa balita na, diumano, ilulunsad sa July 1 ang bagong station ID na tatampukan ng mga artista ng Kapatid at Kapamilya Network na hudyat ng partnership nila.
Reportedly, hinihintay lamang ni Pangilinan at ng mga Lopez ang pagbaba ni President Rodrigo Duterte sa puwesto bago isapubliko ang pakikipagsosyo nila sa isa’t isa.
Bukas, June 30, ang opisyal na pagtatapos ng termino ni Duterte bilang Pangulo ng Pilipinas.
May mga usap-usapang hindi na basta blocktimer ang ABS-CBN sa TV5 dahil magiging co-producer na rin ang Kapamilya network sa mga programa ng TV network ni Pangilinan.
Read: ABS-CBN reportedly inking 50/50 partnership with Manny Pangilinan’s MediaQuest
Habang hinihintay ang mga susunod na mangyayari sa rumored partnership ng TV5 at ABS-CBN, ang pakikipagsosyo ng MPIC sa Carmen’s Best Group ang ibinalita nina Pangilinan, former Senator Ramon "Jun" Magsaysay Jr. at ng anak nitong si Paco Magsaysay.
Si Magsaysay Jr. ang direktor at si Paco ang presidente ng Carmen’s Best Group.

Sa ilalim ng kasunduan, ang MPIC ang magmamay-ari sa 51 percent equity interest ng Carmen’s Best Group, samantalang mananatili sa pamilya ng Magsaysay ang 49 percent equity interest ng kanilang kompanya.
Ikinuwento ni Pangilinan na nagkakilala sila ni Magsaysay dahil sa cable TV business ng dating senador, ang Asian Cable Holdings Inc.
“I think we met probably 2006, 2007. We were looking more towards the senator’s cable TV business,” ani Pangilinan.
Natuloy lamang ang kanilang partnership nitong 2022 dahil sa Carmen’s Best na kilala bilang manufacturer ng popular home-grown ice cream brand.
Ang makilala sa buong mundo ang Carmen’s Best ang isa sa mga plano ng MPIC at ng Carmen’s Best Group, ayon kay Paco Magsaysay.
Aniya, “This union makes us appreciative that MPIC sees the value of what we already built, while also elevating Carmen’s Best to a level beyond what we envisioned.”
Naniniwala naman si Pangilinan na makakatulong ang pamumuhanan ng kanyang kompanya sa agricultural sector, tulad ng partnership nila sa Carmen’s Best Group, para hindi na umasa ang ating bansa sa mga pagkaing nanggagaling pa mula sa iba’t ibang bansa.
Aniya, “The agricultural sector presents a wide range of possibilities that can help us achieve several goals to strengthen the food supply chain and augment the accessibility of resources for all Filipinos as well as provide more opportunities for growth in an otherwise undeserved business.
“Ultimately, the country should aim for substantial independence in food and we must feed our people first.”